^

PSN Opinyon

Puwedeng ipakulong ang mga tycoon

Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

ANG kontraktuwalisasyon ay ipinagbabawal ng security of tenure­ clause ng Constitution at ng Article 280 ng Labor Code na nagsasaad na kapag ang trabaho ng isang manggagawa ay “necessary or desirable” sa negosyo ng employer, siya ay isang regular employee. Kaya ang mga salesgirls at salesboys ng department stores nina Henry Sy, John Gokongwei, Jaime Zobel de Ayala ay mga regular at hindi dapat tinatanggal kada limang buwan dahil ang trabaho nila ay “necessary or desi­rable” sa negosyo ng nasabing mga tycoon. Kahit sila’y pumi­pirma pa ng kontrata na hanggang limang buwan lamang ang itatagal ng trabaho nila, ang mga nasabing kontrata ay walang bisa dahil labag sa Saligang Batas at sa Labor Code. Ganoon din ang five months contract ng mga waiter/waitress sa mga restoran at marami pang negosyo.

Ang Korte Suprema mismo ay nagdesisyon sa kasong Cielo vs NLRC GR. No. 78693, Jan. 9, 1999 na ang kontraktuwalisasyon ay isang “mapanlinlang na kasunduan” na kunwari ay sang-ayon sa batas ngunit itinatago nito ang mapansariling hangarin ng employer na kumamit ng malalaking kita na inaangkin niya sa halip na ito ay ibinabahagi sa mga empleyado. Sa isang kaso pa ng Brent School vs Zamora, GR. 48494, sinabi ng Korte Suprema na “contractualization mocks the law.” O sa ating sariling wika, “tinutuya ng kontraktuwalisasyon ang batas.”

Ang malaking katanungan ay, kung ang kontraktuwa­lisasyon ay ilegal, bakit masyadong lumalaganap ito sa Pili­pinas? Ang simpleng sagot ay dahil sa sabwatan ng mga taong gobyerno at mga tycoon. Tuwing eleksyon kasi, halos lahat ng mga kumandidato sa pagka-presidente, bise-presidente, senador, kongresista, mayor o gobernador, ay nagkakautang na loob sa mga tycoon dahil sila ay binibigyan ng milyones na mga campaign fund at pinapahiram ng mga helicopter at eroplano ng mga tycoon. Kaya kahit sino man sa kanila ang manalo, sila ay magbubulag-bulagan at hindi ipatutupad ang batas laban sa kontraktuwalisayon.

Dahil maliwanag na labag sa batas ang kontraktuwa­lisasyon, puwedeng ipakulong ang mga nasabing tycoon na nagpapairal nito dahil ayon sa Article 288 ng Labor Code, ang sinumang lumabag sa Labor Code ay maaaring ipakulong ng hanggang tatlong taon.

Ngunit sino ang magsasampa at magpapakulong sa mga tycoon? Halimbawa, nanalo si Jojo Binay o si Mar Roxas, o si Rody Duterte, o si Grace Poe sa 2016 kaya ba niyang ipakulong ang mga tycoon? Wala kaya silang pinagkautangan ng loob sa mga tycoon nang sila’y tumakbo sa mga nakaraang mga halalan at hindi kaya sila magkakautang na loob uli sa 2016? Ni isa sa kanila ay wala pang naringgan na wawakasan nila ang kontraktuwalisayon kapag sila ay nanalo. Pati ang job order employment sa mga tanggapan ng gobyerno ay wakasan din nila dahil labag ito sa constitution. Panahon na para manindigan ang mamamayan laban sa kontraktuwalisasyon at job order employment lalo na ang mga 15 milyong manggagawang binibiktima nito.

ACIRC

ANG

ANG KORTE SUPREMA

BRENT SCHOOL

DAHIL

GRACE POE

HENRY SY

JAIME ZOBEL

LABOR CODE

MGA

TYCOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with