Libro para sa health workers
MAHIRAP ang trabaho ng mga nars, doktor at health workers. Ito’y dahil buhay ng tao ang kanilang inaalagaan. Hindi sila puwedeng magkamali at baka manganib ang pasyente.
Dahil dito, kailangan nilang mag-aral nang matagal at magbasa ng maraming libro. Ang problema lang ay karamihan ng libro ay gawa sa ibang bansa, at medyo hindi angkop ang gamot at laboratory tests na itinuturo rito.
Medicine Blue Book: Ang libro para sa Pinoy
Ang librong Medicine Blue Book ay nasa Eleventh Edition na at isinulat ng mga tanyag na Pilipinong doktor at nars. Kasama dito ang mga PGH specialist doctors tulad nina Dr. Camilo Roa, Dr. Elizabeth Montemayor, Dr. Clemente Amante at iba pa. Ang nursing chapter naman ay sinulat ni Nurse Rhoda Redulla na dating propesor sa nursing.
Kaya kung ika’y nag-aaral ng nursing, nasa librong ito ang mga tips tungkol sa mga sakit at gamutan. At simpleng-simple lang ang pagkasulat. Tinatalakay dito ang mga sakit sa puso, sakit sa baga, sakit sa tiyan, arthritis at marami pang iba.
Sa Medicine Blue Book, puro pang-Pinoy lang ang nakasulat. Lahat nang laboratory tests at gamot dito ay nabibili sa Pilipinas. Nakalista rin dito ang mga mura at epektibong brand names ng mga gamot, para makatulong sa mga pasyente.
Nutrition tips
May dagdag pang Nutrition chapter ang Medicine Blue Book kung saan nakasaad ang mga pagkaing dapat iwasan at dapat kainin ng mga pasyente. May Food List o lista ng diyeta para sa mga may diabetes, sakit sa bato, arthritis, mataas ang kolesterol, nagpapapayat at para rin sa gustong tumaba.
Mabibili ang Medicine Blue Book sa lahat ng National Bookstores. Good luck po!
- Latest