^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kalbaryong trapik

Pilipino Star Ngayon

NOONG Biyernes, apat na oras ang naaksaya sa maraming motorista at pasahero dahil sa gra­beng trapik. Halos wala nang galawan ang mga mga sasakyan sa C5 road, EDSA at mga kalsadang nakapaligid sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ang ibang motorista, naghanap ng alternate route para makarating sa kanilang appointment subalit maski ang mga kalsadang pinili nilang daanan ay namumutiktik din sa sasakyan at wala ring galawan. Nagmistulang malaking parking area ang mga kalsada.

Noong Linggo ay grabe rin rin ang naranasang trapik sa Metro Manila. Usad pagong ang EDSA, C5 at ang mga kalsada sa NAIA. Wala namang okasyon sa bansa pero grabe ang trapik.

Kahapon, grabeng trapik na naman ang naranasan sa EDSA at C5. Halos araw-araw na ang trapik at nagbibigay stress sa mamamayan. Marami ang hindi umabot sa kanilang trabaho at school. Ang iba, inagahan na ang bangon para hindi ma-late subalit walang pagbabago sa sitwasyon ng trapik sa mga pangunahing lansangan.

Nagpaumanhin naman ang gobyerno sa nara­ranasang trapik sa Metro Manila. Ang mga isina­sagawang konstruksiyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dahilan kaya mabigat ang trapik. Kabi-kabila ang trapik dahil sa ginagawang SLEX-NLEX connector, skyway sa NAIA at mga paghuhukay sa marami pang kalsada dahil ginagawang flood control project. Halos sabay-sabay ang mga proyekto ng DPWH na nagdudulot ng kalbaryong trapik. Sabi pa ng DPWH, maaaring sa sunod na buwan ay lalo pang bumigat ang trapik dahil sa sisimulang extension ng LRT patungong Masinag, Antipolo.

Nauunawaan ng mga tao ang ginagawa ng DPWH pero ang hindi nila maunawaan ay ang mahinang traffic management ng MMDA. Sa EDSA ay nananatili ang mga nakabalandrang bus sa Aurora Blvd. Kahit nagtipon doon ang mga traffic enforcer, walang nagtataboy sa mga nagsasakay at nagbababa ng pasahero. Hindi rin naman mahatak ng MMDA ang mga sasakyang nakaparada sa magkabilang gilid ng kalsada na nagdudulot ng trapik. Kulang sa pamamahala sa trapik ang MMDA kaya nagkakabuhul-buhol.

 

ACIRC

ANG

AURORA BLVD

BIYERNES

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

KABI

METRO MANILA

MGA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

NOONG LINGGO

TRAPIK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with