^

PSN Opinyon

Ahente ng China sa piling natin

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KUNG nakikipagtunggali ka sa negosyo, sports, o halalan, dapat mong gawin ang ayaw ng kalaban mo, di ba? Sa ibang salita, mababatid mo na nasasaktan ang kalaban kung umaangal ito sa pamamaraan mo, di ba?

Pakaisipin natin ito sa pagsusuri ng mga pahayag ng iba’t ibang tao tungkol sa tunggalian ng Pilipinas at China. Mapapansin na may mga politiko, negosyante, at komentarista na tinutuligsa ang patakarang panlabas natin. Kesyo mali raw ang paghabla ng Pilipinas sa China sa United Nations permanent court of arbitration dahil sa pag-agaw nito sa Scarborough Shoal. Kesyo raw wala naman tayong lakas para ipatupad ang pasya ng UN kung sakaling manalo tayo. Mainam daw na makipag-usap na lang tayo sa China.

Mag-ingat sa mga nagpapahayag niyan. Sinubukan na nating makipag-usap sa China. Niloko lang tayo nito nu’ng 2012. Imbis na sabay umatras ang coast guards ng dalawang bansa mula sa Shoal, biglang bumalik ang China at binawalan ang mga mangingisdang Pilipino.

Baka mga secret agents pa nga ng China ang ilan diyan. Linya ng China ang sinusulong nila: Ang pakikipag-usap nang isahan, imbis na dumulog sa UN arbitration, at hikayatin ang ASEAN na manindigan din. Para silang mga Hapones na kunwari’y sorbetero, hardinero, o tindero sa piling ng mga Pilipino bago mag-World War II. Tapos, nang lupigin ng Japan ang Pilipinas, bigla silang lumitaw na naka-uniporme ng Japanese Imperial Army.

Hiyaw nang hiyaw ang China sa media laban sa kasong isinampa ng Pilipinas sa UN. Pero ayaw naman nilang sumagot sa kaso du’n mismo sa arbitration. Sama­katuwid, nasasaktan at natatakot ang China sa kinikilos natin. Ibig sabihin, tama ang pagsampa ng kaso. Manatili tayo sa tamang landas ng pakikitunggali sa bully.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

ACIRC

ANG

CHINA

JAPANESE IMPERIAL ARMY

KESYO

MGA

PILIPINAS

PILIPINO

SCARBOROUGH SHOAL

UNITED NATIONS

WORLD WAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with