‘Paimbabaw na proyekto at pulitika’
NAPAKALAKI ng ginagampanang papel ng mga nagsisilbing “mata at tainga” sa bawat proyekto, aktibidad at programa o projects, activities and programs (PAPS) ng gobyerno.
Sampung buwan bago ang eleksyon, kapansin-pansin ang kaliwa’t kanang mga proyekto. Binubuhusan ng bilyones na pondo, ang bentahe para sa kapakanan ng publiko.
Ngayong 2015, P2.6 trilyon ang inihanay na national budget. Subalit, hindi pa man tapos ang taon, ang admi-nistrasyon, minamadali na ang Kongreso sa panukalang P3 trilyong pondo para sa 2016.
Kinukuwestyun ng ilang mga mambabatas ang trilyones na alokasyong ito. Mayroong mga nanga-ngamba na baka gamitin ng mga kulay dilaw ang pondo sa kanilang pangangampanya.
Sa malisyosong pag-iisip ng isang simpleng Juan at Juana dela Cruz, oo nga naman, paano nga naman makakakalap ng pondo ang mga ‘chuwari-wariwap’ kung hindi magbubuhos ng pondo ang administrasyon under the guise o sa pamamagitan ng mga proyekto para sa mga kapartido.
Ito ‘yung mga infrastructure hub sa bawat rehiyon at probinsya na pilit pinag-aagawan ng mga patay-gutom na pulitiko. Andyan si Senador 15% at Kongresman 10% na mga TL (tulo-laway) sa pondo.
Mga estilong Kuya ‘Eddie…ako’ na ang gusto la-ging may lagay dahil kung hindi, sa deliberasyon palang ng General Appropriations Act (GAA) sa Kongreso, iipitin na nila ang pondo.
Ibig sabihin, hindi pa man natutukoy kung ano ang espisipikong PAPS, mayroon na agad nagmamay-ari. Bulok at mabantot nang taktika at estratehiya na matagal ng umiiral sa gobyerno.
Patuloy na nananawagan ang BITAG Live sa mga infrastructure watchdog o sa taumbayan na kung tawagin ni Pangulong Noy Aquino mga “boss” niya, buksan ang inyong mga mata at tainga sa inyong mga rehiyon ast probinsya.
Amuyin ang bawat proyekto sa inyong lugar, anong proyekto, magkano ang pondo at kung kailan dapat matatapos ang proyekto.
Kasi kapag hindi ito nasilip at nabantayan, nagkakaroon ng puwang ang mga kurakot at kawatan na makapagnakaw at makasalisi sa pera ng taumbayan.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sabitagtheoriginal.com.
- Latest