^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Presyo ng gasolina, mababa na, presyo ng bilihin mataas pa!

Pilipino Star Ngayon

MAY rollback na naman sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene sa susunod na linggo. Ika-siyam na kaltas na ito mula pa noong nakaraang buwan. Siyam na sunud-sunod na linggo na ang pagbabawas ng presyo at ang sabi ng mga kompaya ng langis, magpapatuloy pa ang pagbaba ngayong Agosto. Ang gasolina sa kasalukuyan ay P40.00 ang bawat litro, P37.00 sa diesel at P36.00 sa kerosene. Bumaba ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado at sabi ng mga analyst, aabot pa ito sa mababang $60 per barrel o mas mababa pa sa pagtatapos ng 2015. Sobra-sobra umano ang produksiyon ng langis kaya bumaba ang presyo.

Noong nakaraang taon (Disyembre 2014) ay uma­bot sa $50 per barrel ang langis sa world market kaya nagkasunud-sunod din ang roll back na halos umabot sa mahigit P30.00 per liter. At ngayon ay nauulit na naman ang senaryo. Malaking kaluwagan sa mga motorista ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Subalit ang nakapagtataka, sa kabila na sunud-sunod ang pagkaltas sa presyo ng petroleum products, wala namang nakikitang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin --- bigas, isda, karne, asukal, sardinas, gatas, noodles, mantika at iba pa. Wala ring paggalaw sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Noong nakaraang taon, wala ring nakitang pag­bawas sa presyo ng mga pangunahing panganga­ilangan kahit pa bumaba nang husto ang gasolina at diesel. Dedma lang ang Department of Trade and Industry. Kaya hindi rin naramdaman ng karaniwang mamamayan ang rollback ng petroleum products.

Sa kabuuan, wala ring silbi ang rollback sa mga mahihirap sapagkat mahal pa rin ang bilihin. Ang nakikinabang lamang ay ang mga kompanya ng bus at taxi sapagkat mura nilang nabibili ang fuel. Sana naman, kumilos ang DTI para mapababa ang presyo ng pangunahing bilihin. Maawa naman sa mga kakarampot ang kinikita na pinipilit pagkasyahin ang suweldo para sa pang-araw-araw na pangangailangan.

ACIRC

AGOSTO

ANG

BUMABA

DEDMA

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DISYEMBRE

IKA

MGA

NOONG

PRESYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with