^

PSN Opinyon

Si Tolentino naman!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MAGANDA at very good ang layunin ni MMDA chairman Francis ‘for Senator’ Tolentino sa Philippines my Philippines dahil kailangan pa raw gisahin este mali hasain para masanay nang husto ang madlang Pinoy sa earthquake drill na naging matagumpay the other week ng ito ay ipatupad upang mapaghandaan kung sakaling tumama ang very powerful lindol.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naging terrific ang paghahanda sa katatapos na Metro - wide eathquake drill the other week kahit may mga kakulangan pa ito pero ang mainam ay bumaon na ito sa isip nang madlang people ang naging karanasan nila sa ginawang lindol drill.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  ang ginawang pagsasanay ay dahil sa pananakot este mali babala pala ng PHILVOCS sa madlang people para maturuan at maging handa sila sa Metro- Manila, sakaling yugyugin tayo nang malakas na lindol oras na gumalaw ang West Valley fault line.

Sabi nga, hindi biro dahil maraming mamamatay, masasaktang, babagsak at masisirang mga gusali oras na lumindol.

Ika nga, libu-libo!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Gusto ni Tolentino, na lawakan ang area ng lindol drill hindi lamang sa Metro - Manila kundi maging sa mga probinsiya.

Ika nga, out of town!

Tanong - ano ang purpose? in aid of election? Hehehe!

‘Hindi na siguro dapat pumapel si Tolentino sa ibang probinsiya may mga local government officials doon kaya siguro sila na lamang ang magsanay para sa kanilang mga constituents.’ sabi ng kuwagong matatalo sa eleksyon.

Ika nga,  ang mga  probinsiya na malapit sa 90-kilometer fault system tulad ng Bulacan; Sta. Rosa, Calamba at Biñan sa Laguna; at Carmona, Cavite ay dapat maghanda na rin at sanayin ang kanilang mga kabaryo sa lindol drill.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat sa teribleng traffic ito mag-concentrate at pag-isipan ni Tolentino kung paano niya matutulungan ang madlang people na buwisit na buwisit na sa nararanasan heavy traffic sa EDSA.’ sabi ng kuwagong umaalma.

‘Ano ngayon ang gagawin ng madlang people oras na lumindol ng malakas habang nakasakay sila sa kanilang mga vehicles at naiipit sila sa heavy traffic? tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sagot - dapat ito ang pagtuunan ng pansin dahil walang makakapagsabi o makakapanghula kung kailan lilindol sa Philippines my Philippines.

Abangan.

ABANGAN

ANG

ANO

ATILDE

AYON

BULACAN

IKA

MGA

SABI

TOLENTINO

WEST VALLEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with