^

PSN Opinyon

Shake drill

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NEGATIBO ang  mensahe  ni Pres. Noynoy Aquino sa mga estudyanteng kumukuha ng Customs Administration. Para kasi sa mga propesyunal na Customs Brokers na aking nakausap, salungat ito sa “daang matuwid” program kung maisasabatas ang Customs Modernization and Tariff Act na prayoridad sa nalalabing 10 buwan na panunungkulan ni P-Noy. Nag-ugat ang pagkabagot ng mga estudyante at propesyunal Customs Brokers nang makinig sila sa pamamaalam ni P-Noy sa huling State of the Nation Address (SONA) nito noong Lunes. Ayon kay Rey Soliman, Vice Chairman ng Customs Brokers Council of the Philippines, kapag naisabatas na at hindi naiayos ang probisyon, marami sa kanila ang matatanggal sa trabaho at mawawalan ng papel sa pagproseso ng mga dokumento sa mga transaksiyon sa Bureau of Customs (BoC).

Ang ipinagtataka ng aking mga nakausap, sa kabila ng napakahalagang papel nila sa BoC upang masigurong tama ang duties and taxes sila pa ang dinidikdik. Kaya malaki ang hinala nila na hinokus-pokus ng mga mambabatas ang naturang panukala. Kasi nga walang kinatawan ang Customs brokers sa Technical Working Group ng Committee on Ways and Means sa Kongreso. Hindi rin nakunsulta ang mga Customs Brokers Academe at Professional Regulations Commission hinggil sa Customs Modernization. Ikinatwiran pa nitong aking mga kausap na, “Kitang-kita ang pag-railroad ng mga mambabatas sa usapin upang maipagmalaki sa nalalapit na APEC Summit ang Customs Modernization”. Ang masakit nito sa likod pala ng naturang usapin, libu-libo ang mawawalan ng trabaho sa bansa.

Samantala, congrats kay MMDA chairman Francis Tolentino at naisulong niya ang kanyang kandidatura ng walang kagatul-gatol este naisulong ang ligtas sakuna nang magsagawa ng Shake Drill.  Malaking bagay ang pakulo ni Tolentino sa mga mamamayan sa Metro Manila. Ayon kay Tolentino, ang pag-uga ng lupa ay hindi mahuhulaan subalit ang kahandaan ay dapat malaman ng mamamayan.

Ito na kaya ang magiging daan ni Tolentino sa Senado?

Abangan!

ANG

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS

CUSTOMS ADMINISTRATION

CUSTOMS BROKERS

CUSTOMS BROKERS ACADEME

CUSTOMS BROKERS COUNCIL OF THE PHILIPPINES

CUSTOMS MODERNIZATION

MGA

TOLENTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with