^

PSN Opinyon

Mga bugok sa BUCOR dapat hatawin

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IBINULONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na dapat laliman ni newly appointed BUCOR director Rainer Cruz ang kanyang pangamoy dahil sangkaterba pa rin ang mga bugok niyang tauhan na namihasa sa salapi sa maduming paraan na gumagawa ng milagro dyan sa bilibid.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang katotohanan nagkaroon diumano nang kidnapping the other day sa ilang pamilyang bumisita sa bilibid ito anila ay isang simpleng ‘hulidap’ na basang - basa na ito ay dating istilo ng mga nagsabwatan mga gago sa loob ng NBP at mga hoodlums in uniform.

Ika nga, bugok na pulis!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, binabantayan ng mga bugok sa oblo ang mga bibisitang pamilya ng mga nakakulong na mapi-pitsang druglord at oras na nakumpirma nila ang mga ito ay ibabato naman nila ito sa labas habang naghihintay ang mga alipores nila kung anong impormasyon ang ibabato sa kanila.

Sabi nga, kung kikita ng malaki ang mga bugok na itlog tiyak kalawitin nila, tatakutin, nanakawan o peperahan at diumano’y palabasin kidnapping ang nangyari.

Ika nga, ililigaw ang pulisya sa pag-iimbestiga!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi magtatagal at lalabas din ang katotohanan oras na masilo ang mga bugok.

‘Kaya dapat laliman ni Kuyang Rainer ang kanyang pagmamanman sa mga bugok sa oblo ng bilibid dahil marami ito dito.’ Sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lumang tugtugin na ang ganitong klase ng modus operandi EDSA hulidap?

Abangan.

Epal sa Mandaluyong City

NAGKUENTO ang isa sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagpunta siya sa Mandaluyong City para bisitahin ang isang matalik na tabarkads todits.

‘Ang siste hindi niya alam ang lugar at haybol nang kanyang pupuntahan sa Mandaluyong basta ang sabi sa kanya doon lang malapit sa may Mandaluyong City Elementary School, Aglipay St., ang haybol ng kanyang kasangga.’

Ayon sa kuento, dalawang beses siyang pabalik-balik para hanapin ang nasabing eskuelahan dyan sa Aglipay Street pero hindi niya ito makita kaya nag-desisyon making siya na iwan na lamang ang tsikot niya sa may sementeryo ilang metro lamang ang layo sa may simbahan ng katoliko sa Boni Avenue at naglakad pabalik sa Aglipay Street patungong sa lugar ng Gabbys para madali niya itong makita at may mapagtanungan siyang madlang people.

Sabi sa kuento, nagtanong siya sa isang kelot na gurang kung nasaan ang  Mandaluyong City Elementary School sabay turo ng ranggung damatan sa eskuelahan.

Ayon sa nagkukuento, parang 4-star hotel ang Mandaluyong City Elementary School sa biglang tingin kaso ang problema nga lamang ay hindi ito basta makikita lalo’t hindi mo alam kung nasaan ito.

Bakit?

Sagot - namumutiktik ang mga litrato ng mga politiko nakapaskel sa Mandaluyong City Elementary School!

Sabi nga, epal talaga. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na dapat lagyan pa ng mga litrato ng mga politiko ang pinaguusapan natin dahil alam naman ng madlang voters dyan sa Mandaluyong City kung saan galing ang salaping pinagawa sa school. Tama ba, Mayor Abalos, Your Honor!

Ika nga, sa buwis at hindi sa sueldo nila. Hahaha!

Abangan.

vuukle comment

ACIRC

AGLIPAY STREET

ANG

AYON

IKA

ITO

MANDALUYONG

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY ELEMENTARY SCHOOL

MGA

SABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with