^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Putulin, pagpapakasasa sa kapangyarihan

Pilipino Star Ngayon

MARAMING kulang sa talumpati ni President Noynoy Aquino sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) noong Lunes gaya nang hindi niya pagbanggit sa Freedom of Information Bill, totoong kalagayan ng agriculture sector at ang isyu sa Mamasapano massacre kung saan 44 Special Action Force (SAF) commando ang napatay. Subalit bumawi naman siya nang sabihing napapanahon na para ipasa ang Anti-Dynasty Bill. Nagpalakpakan ang marami makaraang banggitin ng Presidente ang Anti-Dynasty Bill. Tiyak na ang masi-gabong palakpakan ay dahil sa katuwaan sapagkat sa oras na maipasa ang batas sa Anti-Dynasty, siguradong mapuputol na ang paghahari-harian ng angkan sa isang lugar. Mawawala na ang pagpapakasasa sa kapangyarihan ng ama, anak, asawa, manugang at iba pang miyembro ng pamilya. Mawawala na ang estilong pagpapalit-palit ng puwesto. Magpapahinga sa pagiging mayor ang ama at ang asawa naman ang ipapalit. Kapag natapos ang termino ng ina, ang anak naman ang uupo. Ginagawa nang laruan ang pagpapalit-palit sa puwesto. Masyado nang naging masiba sa kapangyarihan.

Pinaka-magandang sinabi ni P-Noy sa lahat nang kanyang mga naging SONA ang tungkol sa Anti-Dynasty Bill. Narito ang bahagi ng kanyang talumpati: “May mali rin sa pagbibigay ng pagkakataong habambuhay na magpakasasa sa kapangyarihan ang isang tiwaling pamilya o indibiduwal. Ganyang kaisipan din ang dahilan kung bakit, noong may nagmungkahing manatili pa ako sa puwesto—kahit raw dagdag na tatlong taon lang—ako mismo ang tumutol dito. Di tayo makakasiguro kung malinis ang intensyon sa mga susunod, o kung nanaisin lang nilang habambuhay na maghari-harian para sa sariling interes. Panahon na para ipasa ang isang Anti-Dynasty Law.”

Aabangan ng taumbayan ang katuparan ng mga sinabi ni P-Noy ukol sa Anti-Dynasty Bill. Hindi niya dapat biguin ang kanyang mga “boss” sa pagkakataong ito. Kung sa ibang ipinangako niya ay maraming pumalpak, huwag sanang maulit sa Anti-Dynasty Bill. Bago siya bumaba sa puwesto, siguruhin niyang nakakagat na ang ngipin ng batas sa mga nagpapa-kasasa sa kapangyarihan. Buwagin ang pamamayani ng iisang pamilya sa bawat siyudad o bayan.

ANG

ANTI

ANTI-DYNASTY BILL

ANTI-DYNASTY LAW

DYNASTY

FREEDOM OF INFORMATION BILL

MAWAWALA

P-NOY

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

SPECIAL ACTION FORCE

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with