^

PSN Opinyon

INC di dapat pakialaman

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TAMA ang Palasyo. Hindi dapat manghimasok ang pamahalaan sa mga suliraning panloob ng Iglesia ni Cristo (INC). Kung magsisiyasat man ang pamahalaan, ito ay limitado lamang sa  police aspects ng kaso tulad ng alegasyong pagdukot at pagtatago sa ilang ministro.

Ayon kay Presidential spokesperson Abigail Valte, hindi pakikialaman ng gobyerno ang nangyayaring sigalot sa loob ng INC. Sa pananaw ng marami, mukhang ito ay isang power struggle. Nag-aakusa ang mga itiniwalag na kaanak ng Punong Ministro ng INC na si Eddie Manalo ng katiwalian sa loob ng Iglesia, bagay na itinatanggi ng pamunuan ng INC.

Hmm..parang kaparehong sitwasyon ito sa ilang pangyayari mismo sa ating pamahalaan. Ang pagkakaiba nga lang, ang mga nagbabatuhan ng akusasyon ay magkakadugo.

Pero ayon kay Valte, ang tanging isyu lamang na puwedeng silipin ng Department of Justice (DOJ) ay ang alegasyon na may krimeng nagaganap katulad ng sinasabing abduksiyon o anumang uri ng paglabag sa batas.

“Well, that’s already part of… Si Secretary (Leila) de Lima has dispatched a team from the NBI (National Bureau of Investigation) to verify allegations. So kung mayroon hong mga ganyan ay masasama na ho ‘yan doon sa imbestigasyon,” sabi ni Valte.

Ang tanging concern lamang aniya ng estado ay ang posibilidad na may krimeng naganap pero sa ibang isyu ay hindi makikialam ang pamahalaan.

“Dahil ongoing pa, ay hindi ho muna kami magkokomento. Remember that the State is only concerned with any possibility that a crime may have been committed, pero doon po sa mga ibang pinag-uusapan ay hindi na po kasali ang estado doon,” ani Valte.

Sinabi pa ni Valte na mas makakabuting hintayin na lamang ang resulta ng ginagawang imbestigasyon ng DOJ at ng pulisya.

“In any case, the Secretary of Justice has already moved on this, as well as the PNP. Hintayin po natin ‘yung magiging resulta ng kanilang mga imbestigasyon,” ani Valte.

Sa gitna ng nangyayaring sigalot sa INC, inihayag din ni Valte na hindi naman napapag-usapan sa Malacanang ang sinasabing “block vote”.

Kalimitang nililigawan ng mga pulitiko ang INC tuwing eleksiyon sa pag-asa na makuha ang boto ng lahat ng kanilang mga miyembro sa pamamagitan ng “block voting” .

“Yung sa ‘vote as a block,’ hindi po natin napag-uusapan ‘yon, in light of the recent incident. But, again, mayroon na ho tayong… Kumbaga, ang NBI nagpadala na po sila ng kanilang team, at tingnan na lang po natin. I can say that since this happened, of course, we’re aware of it because it has been plastered all over the news. But, beyond that, medyo marami din pong ibang napapagtuunan ng pansin ang Pangulo,” pahayag ni Valte.

ABIGAIL VALTE

ACIRC

ANG

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDDIE MANALO

HINDI

MGA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PUNONG MINISTRO

SECRETARY OF JUSTICE

VALTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with