^

PSN Opinyon

Don’t force the issue

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAY karapatan si Presidente Noynoy na tanggihan o tanggapin ang paanyaya ng alin mang investigative body na nag-iimbita sa kanya, hindi lamang sa usapin ng Mamasapano kundi sa iba pang mga isyung nadadawit ang kanyang pangalan. Wika nga, ito’y isang presidential prerogative at walang maikakaso sa kanya kahit isnabin niya ang ganyang mga paanyaya.

May opisyal nang desisyon ang House of Representative na ibasura ang mga panukala ng mga oposisyunistang Mambabatas na anyayahan ang Pangulo sa gaganaping muling pagbusisi sa isyu ng Mamasapano sa  Abril 7 at 8. Maaasahan lamang na ganyan ang magiging desisyon ng Kamara de Representate porke ang mga nakararaming mambabatas dito ay  kakampi ng Pangulo. Call it politics, pero talagang ganyan.

Sa ilalim ng Konstitusyon, ang Pangulong nanunungkulan ay may immunity sa lahat ng kaso at may lohika ito. Presidente siya at kung siya ay haharap sa mga asunto, nakataya ang pambansang interes dahil magagambala ang pagpapatakbo ng makinarya ng pamahalaan.

Kaya ang tanging paraan para makasuhan ang Pangulo ay sa pamamagitan ng impeachment na ang magpapasimuno ay ang Mababang Kapulungan. Pero tulad nang nasabi na natin, ang Kamara ay  karaniwang nakakiling sa Presidente ng Pilipinas kaya may kalabuan kung magtatagumpay ang impeachment.

Iba naman ang kaso ni dating Presidente (ngayo’y Manila Mayor) Joseph Estrada dahil maging ang mga Mambabatas sa Mababang Kapulungan ay tila  nagkaisa na laban sa kanya. Gayunpaman, hindi ang impeachment ang nagpatalsik sa kanya sa puwesto kundi ang People Power II na pumwersa sa kanya para bumaba sa tungkulin.

Disappointed man ang nakararami kay Presidente Aquino, walang magagawa kundi maghintay na matapos ang kanyang termino ng panunungkulan. Kapag nangyari iyan, malamang na uulanin naman siya ng mga asunto kaliwa’t-kanan. Sinabi naman mismo ng Pangulo na hindi siya nababahala sa mangyayaring ganito dahil handa siyang humarap sa mga asuntong ilalatag sa kanya pagdating ng araw.

ANG

HOUSE OF REPRESENTATIVE

JOSEPH ESTRADA

KAMARA

MABABANG KAPULUNGAN

MAMASAPANO

MAMBABATAS

MANILA MAYOR

MGA

PANGULO

PEOPLE POWER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with