^

PSN Opinyon

‘Rebelde ssa Senado?’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SINUMANG indibidwal na inihalal sa pwesto sa gobyer-no, hindi ligtas sa mga komento at batikos ng publiko.

Lalo na kung ang kanilang mga ikinikilos, sinasabi at inaasta, labag na sa mga protocol and procedure ng institusyon na kanilang inire-representa.

 Mayroong mga nagkokomentaryong mabibilis ang dila, mabibilis ang bibig at mabibilis magsalita, mayroon namang nag-aanalisa ng malaliman at matalino. Isa dito ang BITAG Live.

 Kaya nga kahapon, gamit ang panukat at pamantayan ng Senado, tinatalakay ko sa aking programa ang kakaibang pag-aasta ni Sen. Antonio Trillanes.

 Hinggil ito doon sa executive session sa Mamasapano massacre. Hindi pa man inilalabas ang mga detalye at kabuuang resulta ng imbestigasyon, inunahan na niya agad ilabas sa media. Gusto yatang maiba para mag-iwan ng recall.

 Nilabag at binastos niya ang ilang mga sagradong probisyon ng Senado sa executive session. Na sinumang opisyal na dumalo sa nasabing closed-door hearing, hindi maaaring maglabas ng anumang impormasyon hangga’t walang pahintulot.

 Ang problema, sinarapan yata sa sistemang kudeta si Trillanes. Umastang rebelde sa Senado sa desperasyong mapagtakpan at maisalba si Pangulong Noy Aquino.

 Ayan tuloy, nahaharap si ‘kudeta’ sa posibleng pagkasibak sa Senado dahil nasobrahan sa dada.

 Itong madadang senador rin na ito ang mismong bumatikos noon kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Puro dada lang daw ang ginagawa ng presidente.

 Navy palang siya noon na nakilala sa dalawang beses niyang naudlot na kudeta laban sa gobyerno. Talaga nga namang, ‘once a rebel will always be a rebel.’

Depensa ngayon ng senador sa isyu, hindi siya saklaw ng senate rules sa paglalabas ng mga impormasyon kaya hindi siya pwedeng sibakin sa Senado.  

 Nakuha niya daw kasi ito sa labas ng executive session kung saan nasa labas na sila ng sourcena opisyal ng militar. 

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

 

ABANGAN

ANTONIO TRILLANES

AYAN

DEPENSA

HINGGIL

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PANGULONG NOY AQUINO

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with