^

PSN Opinyon

Almoranas: Ano ang lunas?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

(Part 2)

SA nakaraang kolum, nagbigay ako ng mga payo para sa almoranas (tulad ng huwag umire at palambutin ang dumi). Heto pa ang mga dagdag payo:

1. Magbawas ng timbang. Kapag mataba ka, tumataas din ang pressure sa iyong baywang at binti. Dahil dito, puwede kang magkaroon ng almoranas at varicose veins.

2. Magbawas sa maaalat na pagkain. Ang sobrang alat o asin sa pagkain ay puwedeng magpamaga ng katawan. Pati ang almoranas ay mamamaga rin.

3. Umiwas sa maaanghang o spicy na pagkain. Mahapdi at makati ito kapag dumaan sa ating puwit. Mag-ingat din sa sobrang kape, beer at softdrinks.

4. Kung buntis, humiga sa kaliwa. Ayon kay Dr. Lewis Townsend, isang obstetrician, puwedeng maipit ng luma­laking matris ang ugat ng almoranas. Humiga sa iyong kaliwa ng 20 minutos bawat 5 oras. Makatutulong ito para hindi maipit ang almoranas.

5. Magbabad sa bathtub o malaking palanggana. Punuin ng mga isang dangkal na maligamgam na tubig ang bathtub. Umupo sa bathtub na nakataas ang iyong tuhod. Ayon kay Dr. Byron Gathright, isang colorectal surgeon, ang mainit na tubig ay nag-aalis ng sakit at nagpapaluwag ng daloy ng dugo sa almoranas. Dahil dito, liliit ang almoranas.

6. Puwede subukan ang ice pack. Kung mahapdi at makati ang almoranas, puwedeng lagyan ng ice pack. Kumuha ng isang plastic bag at lagyan ng yelo. Balutin ito ng tela para hindi masyadong malamig. Itapal ito ng hindi hihigit sa 20 minutos. Huwag din lalampas sa 3 beses sa maghapon itong gawin. Maaaring mabawasan ang kirot at laki ng almoranas.

7. Magpahid ng cream. May mga gamot para sa almoranas tulad ng Proctosedyl o Ultraproct ointment. Hindi mawawala ang almoranas pero mababawasan ang sakit nito.

8. Dahan-dahang itulak paloob ang almoranas. Ayon kay Dr. Townsend, kung hindi ganoong malaki ang almoranas, subukang ipasok ito ulit sa puwit. Ito’y para hindi maipit ang iyong almoranas.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

1. Kung biglang sumakit ang almoranas.

2. Kung may bagong bukol na makapa sa puwitan. Baka pigsa ito o kulugo.

3. Kapag hindi naghilom ang iyong sugat sa puwit.

4. Kung may pagdurugo sa dumi, huwag isiping dahil lamang sa almoranas. Magpakonsulta muna sa isang surgeon na doktor. May mga simpleng operasyon na para sa almoranas. Good luck po!

ALMORANAS

AYON

DAHIL

DR. BYRON GATHRIGHT

DR. LEWIS TOWNSEND

DR. TOWNSEND

LEFT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with