^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Itakwil ang katiwalian

Pilipino Star Ngayon

NOONG nakaraang Linggo, nagtapos ang Philippine Military Academy (PMA) SinagLahi Class of 2015 at si President Noynoy Aquino ang pana­uhing pandangal. Kahit mainit ang batikos kay P-Noy ukol sa Mamasapano incident, wala siyang binanggit sa talumpati ukol dito at sa halip sinabi niya sa mga bagong graduate na ituloy ng mga ito ang magandang nasimulan ng mga opisyal na nagtapos din sa akademya. Hamon ni P-Noy sa mga nagtapos, pangatawanan ang kanilang hangarin sa paglilingkod at ituloy ang reporma at pagtahak sa “tuwid na daan”. Ang Sinag Lahi Class ay binubuo ng 155 lalaki at 16 na babae. Ang 91 sa kanila ay piniling maglingkod sa Philippine Army samantalang 45 sa Philippine Navy at 35 sa Philippine Air Force.

Tumpak naman na ipaalala ng Presidente sa mga kadete ang ukol sa reporma. Tatahakin na ng mga bagong graduate ang buhay-sundalo at sa hinaharap maaaring humawak sila ng posisyon sa Armed Forces of the Philippines. Tamang-tama lalo pa’t may mga heneral ng AFP na naliligaw ng landas. Sa mga nakaraan, may mga AFP officials na sangkot sa katiwalian at hanggang sa kasalukuyan ay nakakulong pa. May opisyal na dawit sa maano-malyang pagbili ng mga helicopter, helmet, posas at marami pang iba. May mga heneral na nadawit sa “pabaon” at mayroon ding naaakusahan na nagpayaman sa serbisyo. May mga nakatagong yaman at hindi mabilang na mga ari-arian, bahay, mansion at mga mamahaling sasakyan.

Kung binanggit ng Presidente ang tungkol sa Mamasapano incident, mahahalukay dito ang pagkukulang ng AFP nang hindi mabigyan ng tulong ang 44 Special Action Force (SAF) na walang awang pinatay ng MILF at BIFF. Ang kasalukuyang AFP chief ay miyembro ng PMA. Lulutang din ang papel ni resigned PNP chief Alan Purisima sa “Oplan Exodus”. Si Purisima ay matalik na kaibigan ng Presidente. Nagtapos din si Purisima sa PMA.

Isaisip ang reporma. Magkaroon ng pagbabago. Itakwil ang katiwalian. Gawin sana ito ng Sinag­Lahi Class kapag nasa serbisyo na sila at humahawak ng posisyon. Hindi sana sila matulad sa ibang opisyal ng AFP na nasangkot sa korupsiyon at kumamal ng pera ng taumbayan.

ALAN PURISIMA

ANG SINAG LAHI CLASS

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

LAHI CLASS

MAMASAPANO

OPLAN EXODUS

P-NOY

PHILIPPINE AIR FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with