^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Korte ang magpapasya kina Binay at Peña

Pilipino Star Ngayon

DALAWA ang mayor ng Makati sa kasalukuyan – si Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr. at si Romulo “Kid” Peña Jr. Sinuspinde ng anim na buwan ng  Office of the Ombudsman si Binay noong Marso 16. Nanumpa si Peña ng araw ding iyon bilang acting mayor. Subalit ilang oras pa lamang ang nakalilipas mula nang manumpa si Peña ay lumabas naman ang temporary restraining order (TRO) ng Court of Appeals na hiningi ni Binay. Animnapung araw ang TRO na binigay ng CA kay Binay.

Bago ang pagsisilbi ng suspension order, ilang araw nang nagvi-vigil ang mga supporter ni Binay sa Makati City Hall. Doon na rin natulog si Binay. Una nang sinabi ni Binay na hindi siya bababa sa puwesto. Ang suspension na ipinataw kay Binay at 21 iba pang Makati officials ay nag-ugat sa iregularidad sa pagpapatayo ng Makati City Hall Building II. Ayon naman sa mga Binay, pinupulitika sila sapagkat malakas na contender sa pagka-presidente sa 2016 si Vice President Jejomar Binay, na ama ni Junjun. Noon nakaraang taon, nagsagawa na ng inquiry ang Senado sa overpriced na Makati Parking Building. Ilang beses inanyayahan si VP Binay na dumalo sa Senate inquiry pero tumanggi siya. Ipahihiya lamang daw siya ng mga senador at hindi makakakuha ng patas na pag-iimbestiga.

Sabi naman ni Peña, sumusunod lamang siya sa pinag-uutos ng batas. Gagampanan daw niya ang iniatas na tungkulin bilang acting mayor. Ayon sa report, sa lumang Makati City Hall siya mag-oopisina. Kahapon, sinimulan na ni Peña ang pakikipag-usap sa mga nasasakupan. Determinado umano siyang gawin ang mga nararapat bilang acting mayor. Gagawin daw niya iyon dahil atas ng batas. Hindi raw niya hiningi ang posisyon.

Problema ang kinakaharap ng Makati ngayong may dalawang mayor. Parehong may ipinaglalaban. Parehong naaayon sa batas. Pero dapat isa lamang ang mangibabaw. Dapat ang korte rin ang magresolba sa kasong ito. Humingi ng payo sa korte ang dalawang “mayor” para maresolba ang isyu. Ang mga tao sa Makati ang apektado sa ganitong sitwasyon, Hindi puwede ang dalawang mayor.

AYON

BINAY

BINAY JR.

COURT OF APPEALS

JEJOMAR ERWIN

JR. SINUSPINDE

JUNJUN

MAKATI

MAKATI CITY HALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with