^

PSN Opinyon

Suntok sa buwang pagpapatupad ng DUI’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

(Driving under the influence)

MAINIT ngayon ang usapin sa paghuli sa mga drunk driver o driving under the influence (DUI). Ilang araw palang itong ipinatutupad nang suntok sa buwan sa Pilipinas, ang Republic Act 10586 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 kuntodo balita na sa media ang Land Transportation Office (LTO).

Isang abogado raw ang una nilang nasampolan na agad isinalang sa inquest proceedings. Bumagsak sa breath analyzer test dahil positibong mataas ang alcohol content sa kanyang hininga. Magandang naipapatupad na ang batas sa DUI. Subalit, marami ang kumukwestyon, isa na ang BITAG kung papaano isinagawa ang proseso ng mga humuling enforcer lang ng LTO.

Sa Estados Unidos kasi unipormadong pulis lang ang nanghuhuli. Na bago isalang sa breath analyzer exam ang isang pinaghihinalaang lasing na motorista, kinakailangan munang sumailalim sa Field Sobriety Test (FST). Nakapaloob dito ang eye contact test, one-leg stand at walk and turn para matiyak ang estado ng driver.

Saulado ito ng BITAG. Mahigit limang taon nang idinu-dokumento ng BITAG Team Ride Along ang ganitong uring responde kasama ang mga pulis sa iba’t ibang state sa California.

Kahapon, inimbitahan ko live on studio si Senior Police Officer Rey Asuncion na nagkataong nagbabakasyon sa Pilipinas. Isa siya sa mga inaangkasan ng aming grupo sa Daly City Police Department (DCPD). Ayon kay Officer Asuncion, dumadaan muna sa training ang mga pulis na nagpapatupad ng DUI. Sa police academy palang, itinuturo na ang mga patakaran at kung papaano isinasagawa. Pinapaalam din nila sa publiko ang bawat proseso.

Sa Amerika, pulis lang ang binigyan ng gobyerno ng powers of arrest o kapangyarihang humuli ng mga drunk driver. Hindi tulad sa Pinas, kahit sinong sibilyan lang. Matagumpay nilang naisasagawa ang DUI gamit ang central communication system o 911. Agarang nakukuha ang mga impormasyon ng kanilang sabjek maging ang pagtawag sa mga magba-back up na pulis gamit ang nasabing imprastruktura.

Dahil agaran rin ang kanilang responde sa tawag ng mga re­porting party o nakitang mga lumalabag sa lansangan, madali nilang nakukuha ang tiwala ng mga mamamayan.

Hindi naman sa panlalait, pagkukumpara at gustong maging kakatawanan, libo-libong milya pa ang layo ng Amerika sa Pilipinas kung pagpapatupad ng batas ang pag-uusapan. Sa puntong ito, DUI palang ang isyu. Tsk…tsk!

Ang ekslusibong pagtalakay nina BITAG at DCPD Senior Pinoy Patrol Officer Rey Asuncion ay uploaded sa bitagtheoriginal.com. Panoorin nang matuto lalo na kayo dyan sa LTO!

DALY CITY POLICE DEPARTMENT

DRIVING ACT

FIELD SOBRIETY TEST

LAND TRANSPORTATION OFFICE

OFFICER ASUNCION

PILIPINAS

REPUBLIC ACT

SA AMERIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with