^

PSN Opinyon

Kabataang kawal

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Kabataang kawal nitong ating bansa

Maraming nalagas maraming nawala

Sinong nagkamali sino ang may gawa –

Mga kapwa kawal mga lider kaya?

 

Kabataang kawal parang ipinain

Sa isang labanang kulang pa sa timing

Kulang pa sa armas kulang sa pagkain

Kulang pa sa dunong di alam ang terrain!

 

Bilang ng kalaban hindi nila alam

Sa buong Mindanao sa bundok at bayan;

May Abu, BIFF at mga tulisan

Na palaging handa sa mga kalaban!

 

Leaders at tauhan ng NPA, terrorists

Lahat sila’y handa sa labanang mababangis

Armas natin ay mahina armas nila’y malalakas

Mga armas nila ay pawang imported

 

Sa sitwasyong ito anong mangyayari?

Tiyak na bulagta tauhan ng army;

Ang ating opisyal at ang president

Mga kalaban pa ang gustong kakampi!

 

Hindi natin akalain sa mga kaaway

Ibibigay natin  ang Mindanao?

Pinag-uusapan na sa ating Batasan

Senado at Kongres kampi sa Malacañang!

 

Kung ang Mindanao sa bandidos na nga

Hiwalay na ito sa Luzon, Visayas

Ganyan ba katanga itong ating mamamayan

Ang aagaw nito may paglilibingan!

vuukle comment

ARMAS

BATASAN

BILANG

GANYAN

KABATAANG

MAY ABU

MINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with