^

PSN Opinyon

16 Senators gustong house arrest kay Enrile, Miriam ‘unconstitutional’ daw

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NATUTUWA ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil may 16 Senators ang pumirma sa sulat na ipinadala sa Sandiganbayan na humihiling na i-house arrest na lamang si Senator Juan Ponce Enrile.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tinaningan este mali tinanggihan pala ni Enrile ang mga mungkahi na isailalim na lamang siya sa house arrest dahil sa kanyang katandaan at kalagayan.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas gusto ni Enrile na doon na lamang siya ilagay sa PNP Custodial Center sa Crame para linisin ang kanyang pangalan at maging ng kanyang pamilya na walang katotohanan ang mga akusasyon laban dito.

“Last year ay inaresto si Enrile dahil sa kasong graft at plunder tungkol sa isyu ng pork barrel scam.’ sabi ng kuwagong nagmamaang-maangan.

Kambiyo issue, kung si Senator Miriam Defensor Santiago ang uuriratin diumano’y “unconstitutional” kung isasailalim sa house arrest si Enrile?

Bakit?

Sagot - ipinagbabawal ng batas ang special treatment maliban na lamang kung ito ay matitigok na?

“How many people of his age have died in jail waiting for their appeal to be decided?  Why are we making an exemption for Enrile?” birada ni Miriam.

Banat ni Miriam kung si dating Pangulo at incumbent Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na may sakit din ay hindi pinayagan na i-house arrest, dapat hindi rin pagbigyan si Enrile.

Abangan.

 

Millions of madlang pinoy alaws hotraba

UMABOT sa 2.64 milyong madlang pinoy ang alaws hotraba sa ngayon ito ay kinatay este mali batay pala sa datos ng Philippines my Philippines Statistics Authority hanggang nitong Enero.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas mataas umano ang bilang na ito kumpara sa 2.5 milyong madlang pinoy na unemployed last Oktubre 2014 pero mas mababa kumpara sa 2.97 milyon last January of  2014.

Ayon sa gatas este mali datos pala katumbas ng pinakahuling bilang ng walang trabaho nitong Enero ang pagpalo ng jobless rate ng Philippines my Philippines sa 6.6%. Last October 2014 ay 6% ito samantalang 7.5% last January 2014.

Sa usapin naman ng under employed o madlang pinoy na may hanap buhay pero gusto pang magdagdag ng trabaho, pumapalo na ang bilang sa 6.55 milyon o 17.5%.

Hindi naman isinama rito ng PSA ang Leyte at Samar na matinding hinagupit ng super typhoon.

Abangan.


 

Aling Nene’s BBQ

NAPATSIBOG the other week ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dyan sa Aling Nene’s resto sa may South Superhighway ilang hakbang lamang sa V. Cruz extension San Andres, Manila, dahil up to now pala ay hindi pa rin nagbabago ang lasa ng kanilang paninda tsibog 25 years ago ganito na rin kasarap ang pagkain sa kanila at natikman na rin ito ng mga kuwago napakasarap at dinudumog ito ng mga mahihilig sa mga masasarap na pagkain.

Si Jun Cabate, ang owner ang mismong hands own sa mga paninda ng resto kaya naman grabe as in grabe ang lasa ng mga pagkain dito dahil siya pala ang nagtitimpla.

‘Madaling makilala itong si Jun Cabate, mala- Superman ang katawan nito at pang model bukod sa ‘very friendly’ ito lalo’t mga customer ang kaharap at kausap.’ sabi ng kuwa­gong SPO - 10 sa Crame.

Dayuhin na ang Aling Nene’s resto para makakain ng mga masasarap at murang mga pagkain.

‘Punta na, kain na at magbayad.’ Hehehe!

 

ABANGAN

ALING NENE

AYON

CRAME

CUSTODIAL CENTER

ENERO

ENRILE

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with