‘Political at credibility crisis sa administrasyon’
KALITUHAN at kaguluhan ang nangyayari ngayon sa administrasyon.
Simula mismo sa pangulo hanggang sa kaniyang mga gabinete, kaalyado at hindi kapartido, kaniya-kaniyang ‘kiyaw-kiyaw’ sa isyu ng Mamasapano massacre.
May mga kakulay na diretsahang nagsasabi ng pagkadismaya kay Pangulong Noy Aquino, mayroon namang tumatahimik lang at mayroon ding nagsasalita para ipagtanggol ang presidente.
Tungkol ito doon sa pinaninindigan pa rin ni Pangulong Noy Aquino na wala siyang pananagutan sa madugong engkwentro sa Maguindanao.
Na saan mang okasyon siya mapunta, iisa lang ang kaniyang tono at lengguwahe.
Pinakahuli na dito ang kaniyang panenermon sa prayer gathering noong Lunes kung saan marami ang nagagalit.
Si dating Philippine National Police Special Action Force (PNP SAF) Commander Gen. Getulio Napeñas daw ang may kasalanan sa operasyon at ang ‘KKK’ niyang si dating PNP Chief Alan Purisima, absuwelto.
Masakit mang sabihin pero ang mga mga piling religious leader na inimbitahan ng pangulo sa Malakanyang, nagmukhang engot.
Pati tuloy si dating Pangulong Fidel Ramos nagtatanong kung sino ang mga adviser na bumubulong kay PNoy. Hinahayaan nilang magsalita ang presidente anumang gusto niyang sabihin kahit hindi na akma sa okasyon.
Hindi naman raw sukat-akalain ni Senate President Franklin Drilon na malalagay si PNoy sa krisis dahil sa nangyari sa Mamasapano. Political at credibility crisis ang tinutukoy ng senador na kaalyado rin ng administrasyon.
Kaya lang naman ngayon nagsasalita ang mga mga ‘chuwari-wariwap’ na nakapalibot sa presidente dahil alam nilang maaapektuhan ang kanilang partido lalo na’t malapit na ang eleksyon.
Sa bawat buka ng bibig at hakbang ng mga nagsasalita sa balita, kayo na ang bahalang mag-analisa at bumalanse.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.
- Latest