^

PSN Opinyon

‘Nakababahalang pagtaas ng krimen’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI na ligtas ang mga lansangan sa bansa partikular sa Metro Manila. Nakababahala ang lalo pang pagtaas ng krimen.

Araw-araw, may mga insidente ng panghahalay at pagpatay. Ang sanhi, ang suspek lango sa ilegal na droga.

Baka kasi nalilingat na ang publiko sa mga pamumulitika, pagpapapogi, pagpoposisyon at panlilihis ng isyu ng mga trapo o mababantot na pulitiko.

Kaniya-kaniya na silang papogi sa harap ng mikropono at telebisyon. Gusto laging makita ang mga namamaga na nilang mukha at nagbubulang mga bibig.

Ang mga isyung crime against person, nakakalimutan na. Lahat nakasentro sa nalalapit nang eleksyon.

Sa huling estatistika ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 92 porsyento barangay sa kalakhang Maynila napasok na ng ilegal na droga. Kasama na dito ang mga eksklusibong subdibisyon na hindi mo aakalaing lungga ng mga sindikato.

Aktibo nga sa pagdedeklara ng gyera kontra droga ang PDEA kasama ang Philippine National Police – Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) at National Bureau of Investigation (NBI) pero ang gobyerno, hindi seryoso.

Kulang ang inilalaang pondo sa nasabing mga ahensya. Mas prayoridad pa nilang lagyan ng bilyones ang ibang mga ahensya kung saan ang mga nakaupo, kakulay.

Kumpara sa humigit-kumulang P500 milyon ng PDEA at P36 milyon lang sa AIDSOTF, may puwang kasi para makakupit at makanakaw ang ilang mga gabinete sa pinamumunuan nilang departamento.

Isa ang BITAG sa mga programa sa media na matagal nang nananawagan sa pamahalaan partikular sa mga mambabatas sa lehislatura. Taasan ang pondo ng mga ahensyang nagdedeklara ng gyera kontra droga.

Hangga’t walang sapat na pondong inilalaan ang gobyerno sa mga nabanggit na ahensya, tataas pa ang bilang ng kriminalidad sa bansa.

Abangan ang Bitag Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

ABANGAN

AKTIBO

ARAW

BITAG LIVE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

METRO MANILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with