^

PSN Opinyon

Ang tanging bulaklak

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Dapithapon nang ako’y dumalaw

sa iyong libingan sa malayong bayan;

Dahil sa trabaho saglit nalimutan

at ngayo’y narito ang mata’y luhaan!

 

Sa tabi ng iyong hamak na lapida

may tanging bulaklak na doo’y nakita;

Itoy puting-puti na sobra ang ganda

kagandahan nito’y lubhang naiiba!

 

Nang aking lapitan sa tama ng ilaw

ang ilaw na tangi tumingkad ang kulay;

Lalo pang gumanda bulaklak ni mahal

kaya napaluhod kasabay ng dasal.

 

Kaya ang bulaklak nang aking lapitan

ay agad pinutol at agad hinagkan;

Sa okasyong iyon naghari ang kabanguhan

bangong sa wari ko’y walang katapusan!

 

Habang naglalakad ako’y lumuluha

may tagpong malungkot aking nagunita –

Matindi mang sakit hindi alintana

at tayo’y nagyakap – kapwa lumuluha!

 

Halos walang tinig ikaw ay bumulong

mahinang-mahinang sa aki’y daluyong;

Mamahalin kita sa habang panahon

mga anak natin ang makakatulong!

AKING

DAHIL

HABANG

ITOY

KAYA

MAMAHALIN

MATINDI

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with