Concrete building evidence
MABUTI naman at nasampahan na ng kasong criminal si Vice Pres. Jojo Binay at Mayor Junjun Binay ng Makati.
Bilang abogado, ako ay nakakatiyak na di makakalusot ang father and son sa Ombudsman dahil masyadong concrete ang ebidensiya laban sa kanila, as in concrete building evidence na inabot ng P2.7 billion.
Puwede sigurong aabot ng ganyang halaga kung condo ang building na sa bawat unit ay may banyo, bintana, mga dingding at mga mamahaling tiles.
Kaya sapol ang mag-ama sa kasong ito. Maliban dito, may susunod pang mga kasong isasampa sa kanila tulad ng kickback diumano na halagang P500 million para kay Jojo sa pagbebenta ng lupa ng Boy Scouts of the Philippines.
Parang walang humpay na tsunami ang tatatama kay Jojo. Dapat nu’ng nagsimula ang mga akusasyon sa kanya ay nag-resign na siya. Baka tinantanan na siya ng kanyang kalaban tulad ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado.
Tayong mga Pilipino kasi ay sports. Kapag umatras na ang kalaban lumulubay na tayo.
Dati kong kaibigan si Jojo ngunit nang mabalitaan ko sa mutual friends namin na sobrang kurakot ang ginagawa niya sa Makati, nagpasya akong dumistansiya na sa kanya.
Noong 2006, kusa akong nagbitiw bilang chairman ng National Labor Relations Commission sa kadahilanang “I did not want to be a part of Gloria’s corrupt government” tapos sumali ako sa mga oust Gloria movement.
Nagkasama kami ni Jojo sa movement na ito. Katunayan nakasama ko pa siyang nagmartsa sa Ayala Avenue. Yun pala mas masahol pa si Jojo kay Gloria. Hindi pala ang ginagamit sa pagkurakot ng salapi ng bayan tulad ni Gloria kundi bulldozer.
Nagalit si Gloria sa akin noon at ako ay pinasampahan sa tuta niyang si DOJ Secretary Raul Gonzales ng inciting to sedition na pending pa hanggang ngayon. I am now out on bail.
- Latest