Si BIR RDO Joseph Catapia, naman
TUWANG - tuwa sa galak at nagpapasalamat sa mga asset ng kuwago ng ORA MISMO, ang mga taxpayers ng Province of Rizal, matapos mabulgar ang diumano’y kapalpakan at katamaran nitong si BIR - RDO Joseph Catapia ng Taytay, Rizal.
Inireklamo sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na dapat din daw malaman ni BIR Commissioner Kim Heneras, ang diumano’y pagka-arogante at diumano’y pagka-balasubas nito sa pagtrato sa mga taxpayers na may transaction sa kanyang opisina?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Nagsumbong sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na maging ang ilan sa empleado niya sa nasabing BIR Office, ay umaangal dahil diumano’y asal ‘Ponsio Pilato’ ito at parang hindi tao diumano kung ituring sila?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inaasahan nila ang madaliang lifestyle check ng Office of the Ombudsman laban kay Catapia. Paging Chief OMB Conchita Carpio Morales, Your Honor!
Bakit?
Sagot - makapal na ang bulsa nito?
Hihilingin ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Civil Service Commission, na kalkalin nila kung naaayon ba ang diskarte nito sa Anti Red Tape Act.
Sabi nga, It’s your turn mga ‘Bossing,’ to do what is appropriate sa ganitong klaseng government official.
Abangan.
Fly us to the moon - solvent kids
HINDI binibigyan pansin ng mga authorities sa Kyusi ang mga naglipanang ‘menor de edad’ na sumisinghot ng solvent habang high sila ay parang gusto nilang lumipad sa buwan. Hehehe!
Makikita sila sa may ‘center island’ ng EDSA ilang hakbang lamang ang layo sa sakayan ng MRT EDSA - North station tapat ng Trinoma Mall at ilang metro lamang din ang layo sa QCPD police detachment dyan sa may Landmark. Hindi biro ang grupong ito umaabot sila o lumilipat dyan sa may center island sa tapat ng SM North at Save More grocery.
“Kailangan pa bang may mangyari sa mga batang ‘high’ sa solvent bago sila bigyan ng kaukulang aksyon ng gobierno ?’ sabi ng kuwagong ayaw sumakay ng MRT dahil bulok.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hanga sila sa ginawang aksyon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, the other day ng ipakulong niya ang magulang ng three little kids matapos niyang ipa-rescue habang natutulog sa ilalim ng naka-park na tsikot sa isang kalye sa isang place sa Davao City.
Sabi nga, paglabag ito sa Republic Act 7610 o protection against child abuse, exploitation and discrimination!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tungkulin ng mga parent na alagaan ang kanilang mga anak at hindi iyong pinababayaan sila tulad ng ginagawa pagsinghot ng solvent ng mga bata dyan sa center island ng EDSA.
‘6 to 7 years old ang pinakabata samantala hindi bababa sa 13 years old ang mga kasamahan nito na nagsisinghutan ng solvent.’
Ika nga, mga batang babae at lalaki ang mga ito ! Take note, QC Mayor Bistek Bautista, Your Honor!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dumarami sila kapag palubog na ang araw dahil nag-uumpisa na silang magkulitan habang ang ilan ay naghahabulan sa highway na may mga hawak at sumisinghot sa plastic na may solvent.
‘Paano ngayon kung masagasaan sila o mabangga at namatay?’ tanong ng kuwagong motorista.
Sagot - tiyak kulong ang bumanggang driver!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may police station na nakatirik sa may tabi ng Landmark ilang hakbang lamang ang layo sa mga solvent kids pero hindi nila pinapansin ang mga ito .
Bakit kaya?
Sagot - walang ganansiya?
Abangan.
Si Rep. Señeres at ang contractualization
NAGKAUSAP ang mga kuwago ng ORA MISMO at Rep. Roy Señeres tungkol sa ‘555’ o ‘endo’ ito iyong mga manggagawa na hindi na ata mabibigyan ng pagkakataon para maging ‘regular employee’ sa kanilang pinapasukan na trabaho.
Sabi nga, pati ang DOLE ay kumakampi sa employer para sa usaping ‘555’ o ‘endo, o end of contract.’
Ikinuento ni Seneres, dating DOLE NCR chief, dating Labor Attache sa Singapore at Saudi at naging Ambassador bago pinasok ang politika na sobra na ang ginagawang pahirap sa madlang worker regarding sa pag-amyenda ng Labor Code of the Philippines my Philippines.
Ika nga, ang Republic Act 6715!
Sabi ni Seneres, casual at contractual,walang mga proteksyon tulad ng job security, holiday leaves at iba pang benepisyo ang halos lahat ng ‘endo’ na pumapasok sa malalaking kumpanya partikular sa mga naglalakihang mga mall.
Ayon kay Seneres, pati anya mga IT, mga nasa airlines ground crew ay kontraktual na rin.
Sabi nga, walang silbi na ang collective bargaining agreement at mga legal na benepisyo para sa empleado kaya ang kumita ng malaki dito ay iyong mga investor.
‘Ano ang dapat gawin dito?’ tanong ng kuwagong mina-mata.
Sabi ni Seneres, itama ang batas!
Abangan.
- Latest