^

PSN Opinyon

May hika o asthma

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

(Part 2)

KAIBIGAN, heto ang aking dagdag payo para mabawasan ang iyong hika at allergy:

Maglinis ng bahay. Ang allergy ay nanggagaling sa mga dust mites, isang insekto na laganap sa ating bahay. Labhan kada isang linggo ang bedsheet, unan at kumot. Ibilad ang mga ito sa araw para mamatay ang mga mikrobyo at insekto.

Umiwas sa lahat ng usok. Bawal na bawal ang usok at sigarilyo. Ipaalam sa lahat ng kamag-anak at kaibigan na bawal ang sigarilyo sa iyo. Umiwas din sa usok ng mga sasakyan.

Kumain ng prutas at gulay na nagpapalakas ng ating ugat at baga. Damihan ang pagkain ng dalandan, orange, mansanas, suha, ubas at blueberry. Puwede ring uminom ng Vitamin C tablet 500 mg kada araw.

Kumain ng mga isda na mataas sa omega-3 fatty acids, tulad ng sardinas, tunsoy, tamban, alumahan, hasa-hasa, tuna at tanigui. May Omega-3 fatty acids ito na makatutulong sa hika.

Kapag inaatake ng hika, subukan uminom ng matapang na kape o black coffee. Ang caffeine ay parang gamot na theophylline na nagbubuka ng mga tubo sa baga.

Umiwas sa soft drinks at vetsin. Puwede itong magpasimula ng hika, lalo na sa mga bata.

Mag-ingat sa sobrang lamig o sobrang init na panahon. Baka mag-trigger ng hika ito. Dapat ay katamtaman lang ang temperatura.

Mag-ehersisyo ng 3-5 beses bawat linggo. Subu-kang palakasin ang mga braso, dibdib at likod para lumakas ang masel sa paghinga. Puwede ring mag-swimming.

Gamitin ang tiyan sa paghinga. Dalawang paraan ang paghinga. Ang una ay ang paggamit ng dibdib. Ang pangalawa at mas epektibo ay ang paggamit ng tiyan (diaphragm o abdominal breathing). Humiga sa kama at ilagay ang kamay sa ibabaw ng tiyan. Sa iyong paghinga (inhale), dapat ay tataas ang kamay mo sa tiyan pero hindi tataas ang iyong dibdib. Mas mapupuno ng hangin ang iyong baga sa ganitong paghinga.

Maghugas palagi ng kamay. Umiwas sa virus at bacteria. Kapag ikaw ay tinamaan ng sipon at ubo, puwedeng sumabay ang atake sa hika.

Gumamit ng Air-condition kung may pera. Puwede rin ang Air Filter.

Kapag madalas ang atake ng iyong hika, magpatingin agad sa doktor. May mga taong nadisgrasya na dahil pinabayaan ang kanilang nararamdaman. May mga gamot (salbutamol tablet at inhalers) na makatutulong sa pagkontrol ng iyong hika. May tulong din ang nebulizers na magpapaluwag sa iyong paghinga. Good luck po.

AIR FILTER

HIKA

IYONG

KAPAG

KUMAIN

MAY OMEGA

PUWEDE

UMIWAS

VITAMIN C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with