^

PSN Opinyon

Solusyon sa Mindanao

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Ano ang solusyon sa Mindanao problem?

Unang dapat gawin ang gobyerno’y pakilusin

Upang itong bansa’y lumigaya mandin

Kapagka nakitang tayo’y mahal pa rin!

 

At totoo namang kung may digmaan nga

doon sa Mindanao, bayan ang kawawa;

itong mamamayang tiwasay, payapa ·

naliligalig man ay walang magawa!

 

Natatakot sila na kung bigo, ito

hindi masawata ng ating gobyerno.

baka kaguluha’y makasapit dito

sa Luzon, Bisaya at saka sa Metro!

 

Kapagka ganito, dapat kumilos na,

mga kawal nating hawak ay sandata;

doon sa Mindanao ay magsipagmartsa,

lipulin nang lahat mga terorista!

 

Kung di malilipol ang mga bandido,

lalo pang darami mga pangkat nito;

ang kamay na bakal dapat nang ibato

ni President Noynoy sa mga dorobo!

 

May nagmumungkahing ang batas militar

ay pairalin na sa buong Mindanao;

kung gagawin ito ay parang sinampal

ang ating AFP na naging mabagal!

 

Kay President Noynoy iminumungkahi,

palakasin niya, AFP-PNP;

ang mga sibilyan, turuang mag-ani

nang saganang bigas, mais at kamote!

ANO

BISAYA

KAPAGKA

KAY PRESIDENT NOYNOY

LUZON

MINDANAO

NATATAKOT

PRESIDENT NOYNOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with