^

PSN Opinyon

Music to the ears of Binay

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

NOYNOY Resign! Noynoy Resign! Noynoy Resign!

Malamang ang nakakabinging panawagang ito ay music to the ears of VP Jojo Binay. Pero ano siya masaya? Hindi papayag ang sambayanang Pilipino na ang isang Boys Kawat lamang ang papalit kay P-Noy.

Si Binay ay isang nilalang na walang amor propio o delikadesa. Maliwanag pa sa sikat ng araw na totoo ang mga ibinibintang sa kanya ng dating Vice Mayor na si Ernesto Mercado.

Sabi nga ng driver ko na si Alex, si Binay daw ay parang isang mister na nahuli sa akto ng kanyang misis na nakapatong sa ibang babae, ngunit ang sabi niya kay misis: “Dear, hindi ako ito.”

Kapag nagpatuloy ang init ng mga rally laban kay P-Noy, baka mapilitan ang PNP/AFP na mag-withdraw ng support kay P-Noy at magluklok ng isang lider na of course hindi corrupt na mamuno sa bansa ala-Ramos/Enrile na nag-withdraw ng support kay Ferdinand Marcos at nagluklok kay Cory Aquino.

Kapag nangyari ito baka mapabilis ang kaso sa Ombudsman kay Boys Kawat at sa halip na magiging presidente siya ng bansa ay magiging presidente na lang siya ng NPPA as in National Penitentiary Prisoners Association.

Kaya Pareng Jojo Binay, hindi music to your ears ang panawagang Noynoy Resign. Sa halip ituring mo ang akalang music to your ears na hudyat na malapit ka nang maging Pangulo... ng NPPA.

* * *

Panahon na ang uring manggagawa ay tumulong sa kanilang sarili sa pamamagitan ng pakikiisa sa Rose movement. Maging bahagi na ng ating kapatiran. Huwag magpaisa, magkaisa.

Sumali na sa ROSE Movement. Makipag-ugnayan sa text: 09235566056 (Sun), 09198318251 (Smart), 09772010326 (Globe) o mag-email sa: [email protected] at bisitahin ang ating Facebook page www.facebook.com/rosemovementph.

vuukle comment

BOYS KAWAT

CORY AQUINO

ERNESTO MERCADO

FERDINAND MARCOS

JOJO BINAY

KAPAG

KAY

KAYA PARENG JOJO BINAY

NOYNOY RESIGN

P-NOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with