‘Mga pekeng ibinibentang KING’s Herbal’
BINABALAAN ng kolum na ito ang mga residente sa Luzon, Visayas at Mindanao partikular ang mga gumagamit ng KING’s Herbal.
Ito ‘yung herbal food supplement na nakakapagbi-gay-lunas hindi lang sa sakit na Diabetes kundi maging sa iba pang karamdaman.
Mag-ingat sa mga kumakalat na counterfeit o pekeng produkto. Ibinibenta ng mas mababa sa suggested retail price (SRP) na P999.
Ayon sa manufacturer, anumang mas mababa sa SRP, maituturing peke. P999 ang orihinal na presyo kada bote ng nasabing food supplement, subalit, mayroon umanong nagtutulak ng bagsak-presyo.
Ang mga naiulat na nagbebenta ng P600, P700 at P750 ay sa Caloocan, Binondo, Shopwise, Ever Gotesco, Victory Mall, Robinsons Cainta, Robinsons Cavite, ilang mga chinese drug store sa Quiapo at iba pang maliliit na drugstore.
Kaya sa mga umiinom, gumagamit at gustong sumubok ng nasabing produkto, bumili lang sa mga rehistrado at awtorisadong tindahan. Hanapan ng identification card (ID) at mga dokumentong patunay na sila ay lehitimong dealer o distributor.
Ngayong alam n’yo na, ipakalat sa mga kaibigan, kakilala at kamag-anak. Baka kasi mabiktima pa sila. Sa halip na makatulong sa kanilang kalusugan, magdulot pa ng perwisyo at kumplikasyon.
Ang masaklap, biglang magkaroon ng sakit dahil sa kung ano-anong pinaghalo-halong likido na hindi dumaan sa pagsusuri ng Food and Drugs Administration (FDA).
I-report o itawag agad sa tanggapan ng KING’s Herbal ang sinumang masusumpungang nagbebenta ng mas mura sa P999 upang agarang matuldukan ng mga awtoridad ang aktibidades ng mga nasa likod nito.
Narito ang kanilang mga numero: (02) 225-2025; 419-9383; 0915-334-5777; 0906-3835-006; 0908-776-6666; 0929-542-0111.
- Latest