^

PSN Opinyon

Lokohan

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

Naging usap-usapan ang balitang binayaran nga raw ng pamahalaan ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga isinauli nitong may labing-anim na armas ng mga miyembro ng Special Action Force na nasawi sa bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.

Agad namang kinontra ng Office of the Presidential Assistant on the Peace Process (OPAPP) ang inihayag ni Fr. Jun Mercado na iyon na nga na may bayarang nangyari upang maisagawa lang ang pagsauli ng mga armas.

May halaga nga raw na umabot ng P100.000 hanggang P150,000 ang bawat isang armas na sinauli noong isang linggo sa Philippine National Police.

Ngunit pinipilit talaga ni Fr. Jun na may barayan ngang nangyari na kung tutuusin ay isang malaking panloloko ng pamahalaan upang paniwalain ang mga mamamayan na may ganung saulian nga ng mga baril ng mga namatay na SAF sa Mamasapano.

At sa panig naman ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters group ay ayaw naman nilang ibigay  ang may sampung high-powered firearms  na nakuha nila sa mga nasawing miyembro ng SAF.

Gusto ng BIFF na magkaroon nga raw ng rematch laban sa mga government forces bago nila makuha ang mga armas.

Hanggang sa pagsauli ba naman ng mga armas ng mga nasawing SAF members ay may lokohan pang nanyayari?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nasagot ang maraming issues sa Mamasapano incident.

Ang daming bagay na tinatago sa publiko kung ano ba talaga ang nangyari at bakit nagkaganun na lang ang kinahinatnan?

Malinaw na niloloko na nga ang mamamayan at tila ang isang napaka-basic na tanong kung sino ba talaga ang nag-utos sa pag-atake ng SAF sa Mamasapano ay walang categorical answer na nakukuha.

Sa lokohan na ito ay malinaw din na sa ganitong pamamaraan din tinatrato ng pamahalaan ang Mindanao.

Hangga’t hindi  lumabas ang katotohanan at hindi masagot  ang mga tinatanong ng bayan ukol sa Mamasapano carnage mananatiling nakaukit sa isip ng mga mamamayan na ang lahat ay isang kalokohan nga.

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

HANGGANG

JUN MERCADO

MAMASAPANO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

OFFICE OF THE PRESIDENTIAL ASSISTANT

PEACE PROCESS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with