Sinseridad
BINABATIKOS ng ilang senador at kongresista ang sinseridad ng Moro Islamic Libaration Front at nagiging ba-lakid sa pagpapatibay ng Bangsamoro Basic Law. Noong isang araw, ibinalik ng MILF ang 16 na baril ng 44 na SAF na napatay. Pero mukhang kinahoy o tsinap-chop ang mga ito bago ibinalik sa pamahalaan. Dahil dito marami akong narinig sa mga pulis. Una na riyan ay kung bakit pinag-interesan pa nila ang mga baril gayung malinaw na ang usapan na ibabalik nila ang mga armas? Kaya sa ngayon hindi lamang mga armas ng mga napatay na SAF ang nais ipabalik ni DILG secretary Mar Roxas at PNP Officer-in-Charge Gen. Leonardo Espina.
Kailangang ibalik nila ang mga gamit personal ng mga napatay na SAF -- tulad ng singsing, cell phone, uniform at short firearms. Malabo itong kahilingan na hinihiling nina Roxas at Espina dahil kung ang baril nga lang ay gutay-gutay na nang ibalik iyon pa kayang kayang gamitin na pampersonal, di ba mga suki? Ngunit nakasalalay dito ang kahahantungan ng BBL na dapat na pagtuunan ng pansin ng MILF, dahil habang nagmamatigas sila na maibalik ng mga gamit natural na malalagay sa balag ng alanganin ang usapin sa kanilang rehiyon. Dahil bukod kasi sa mga armas at personal na gamit ng 44 na SAF nais din nina Roxas at Espina na isuko nila ang MILF guirellas na involve sa Mamasapano massacre.
Iyan ang binabantayan sa ngayon ng ilang senador sa pangunguna ni Sen. Allan Cayetano na tahasang bumabatikos sa sensiridad ng MILF. Maging si Rep Samuel “Sammay” Pagdilao ay gayundin ang puntirya. Manga-ngahulugan ito na dadaan sa butas ng karayom ang paggiling ng BBL. Idagdag pa rito ang lumabas na finding sa autopsy report na halos lahat ng mga SAF ay nakaranas ng brutal killing. Iyan ang isang pangunahing usapin na pagkakatutukan sa Mamasapano investigation ng Senado dahil maipipresenta na ng PNP ang investigation. Kaya ang payo ng aking mga nakausap na pulis, kung talagang sinsero ang MILF sa peace process ng pamahalaan, dapat lamang na sumunod sila sa kahilingan na pormal na hiniling sa kanila dahil nakasalalay dito ang pagpapatibay ng BBL. Abangan!
- Latest