^

PSN Opinyon

MRT 3 mapanganib na

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

PANAHON na para itigil ang operasyon ng Metro Rail Transit 3 at ayusin itong mabuti kahit na magdulot pa ito ng mabigat na traffic sa Metro - Manila.

Bakit?

Sagot - habang pinatatakbo ito ng may dipresiya malagay sa panganib ang buhay at kaligtasan ng libog - libog este mali libu - libong palang pasahero nito!

‘Kailangan pa bang may magbuwis ng buhay bago ipahinto ang operasyon bulok na sasakyan ?’ sabi ng kuwagong kinakabahan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang mga naging aberya ng operayson ng MRT 3 kaya mas mainam pang ihinto ito kaysa magkaroon ng malaking sakuna tulad ng nangyari noon August 2014, ng mag-overshoot ang train at banggain nito ang barrier sa may Taft Avenue station.

‘Buti na lamang at walang namatay!’

Dahil sa pangyayari praise release agad ang DOTC sa madlang public.

Sabi nga, tv dito, radyo doon, dyaryo kinabukasan. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  ganoon din naman ang nararanasan traffic sa EDSA walang pinag-iba kahit tumaktabo ang tren grabe pa rin ang trapik.

‘Mistulang malaking - malaking parking area ang EDSA halos hindi na gumagalaw ang mga sasakyan dito at kung umaandar naman ay usad pagong ito.’ ayon sa kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Ang akala ng karamihan dahil nagdagdag pasahe sa MRT ay gaganda ang kanilang biahe iyon pala lalong lumalala dahil sunod-sunod ang aberya ng tren.’ sabi ng kuwagong urot.

Sabi nga, malaking problema pa rin!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang naperwisyo, nasaktan at nasugatan sa mga kapalpakan ng MRT 3 operation.

Ika nga, mapanganib na ito!

‘Ano ba ang naging resulta ng mga expert from Hongkong ng suriin nila ang MRT?’ tanong ng kuwagong manghuhula.

Sagot - bagsak ang rating ng MRT. ‘Unsatisfactory!’

‘Ano ngayon ang mabuting gawin?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Itigil ang operasyon at gawin muna ito para hindi malagay sa panganib ang madlang passenger na sumasakay dito!’

Abangan.

Computerization sa Customs

SA loob ng 3 years sa wakas nakapili na rin ang Bureau of Customs Bid and Awards Committee, ng winning bidder para sa computerization project nila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa pagmamadali, tila hindi nito napansin na apat na lehitimo at mga beteranong consortiums ang dinisqualify ng BAC, sa halip ay isang  nakopya este mali kopo pala.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakataya sa bidding ang pagkuha ng isang system integrator para sa design, implementation, operation at maintenance ng Integrated Enhanced Customs Processing Systems (iCPS) at National Single Window (NSW) na dalawang mahalagang IT project na magsasamodermo sa clearing process at mapuksa ang katiwalian sa BOC.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, limang bidders ang nagsumite ng eligibility documents pero noong Nobyembre pagkatapos ng mabusising bidding process at s autos ng  Department of Budget and Management at ng Department of Finance, diniskuwalipika ng BAC ang apat na bidder at tinukoy ang Omni Prime at foreign partner nito na Intrasoft bilang solong bidder.

Ika nga, mukhang suerte sila?

Ang basehan ng disqualification ay patungkol sa tax declaration document na kailangang isumite ng mga foreign partner kahit wala silang operasyon sa bansa kaya wala silang anumang utang na buwis sa gobyerno.

Tila nakuntento na ang BAC sa lone bidder kaya naman ipamamalita na ang Omniprime.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang magagawa ang pamahalaan kundi tanggapin ang anumang maibibigay ng nag-iisang bidder.  Hindi matutukoy ng pamahalaan kung makatwiran o hindi ang inialok na halaga.

Naku ha!

Bakit?

Sagot - lason este mali layon pala ng computerization na masugpo ang smuggling at iba pang anomalya sa BOC. Ang Customs ay kabilang sa mga ahensiya na tinukoy ni P. Noy na bigo na makamit ang target collections at bigo ring masugpo ang corruption sa kanilang hanay.

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

ANG CUSTOMS

ANO

ASSET

AYON

BAKIT

SABI

SAGOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with