^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Huwag balewalain

Pilipino Star Ngayon

MULA nang mangyari ang Mamasapano clash na ikinamatay ng 44 na police commandos, marami nang naglitawang balita na yumayanig sa bansa. Una ay ang matapang na paglantad ng mga Arsobispo at pinabababa sa puwesto si President Noynoy Aquino. Kasunod niyon ay ang paghahayag ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na may planong magsagawa ng kudeta at popondohan daw ng isang mayamang tao. At makaraan iyon, matapang naman na nagbabala si Sen. Antonio Trillanes tungkol sa planong kudeta na ang nasa likod ay si dating national security adviser Norberto Gonzales. Inamin naman ni Gonzales na bahagi siya ng grupong nagpapababa kay Aquino sa puwesto pero hindi raw iyon kudeta. Maliban kay Gonzales, marami pang personalidad ang nagpapababa kay P-Noy at isa rito si dating Tarlac Rep. Jose “Peping” Cojuangco na tiyuhin ni P-Noy. Ayon sa report, isinusulong ni Cojuangco ang “pagbabago sa liderato”. Pero hindi raw iyon kudeta o military takeover.

Kahit ano pa ang sabihin, ke kudeta man, hu­mi­hingi ng pagbabago  at reporma, iisa ang ibig ipahiwatig, ang mapatalsik ang Presidente at magkaroon ng bagong lider. Pero ang ganitong mga rumor o bali-balita ay hindi maganda sa bansa. Nayayanig sa ingay ng kudeta ang bansa at malamang na mag-alisan ang mga negosyante. Wala nang magnanais mamuhunan. Sino ang mag-i-invest sa bansa na namamayani ang kahu­lugan. Mahirap umunlad ang bansang magulo. Naranasan na ng bansa ang lupit ng kudeta noong 1989 na pinamunuan ng Reform the Armed Forces Movement (RAM). May mga namatay, nasirang ari-arian, natakot ang mga negosyante. Nalumpo ang ekonomiya noon at matagal bago nakabangon.

Hindi naman dapat maging kampante ang pamahalaan at hindi dapat balewalain ang banta ng kudeta. Gumawa ng paraan kung paano maaa-pula ang ingay ng kudeta. Alamin ang ugat kung bakit may magkukudeta. Huwag balewalain ang rumor na nagmula sa pagsalakay sa Mamasapano na ikinamatay ng mga commando. Ilantad ang totoong nangyari at walang pagtatakipan.

ANTONIO TRILLANES

COJUANGCO

GONZALES

KUDETA

MAMASAPANO

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NORBERTO GONZALES

P-NOY

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with