^

PSN Opinyon

Gobernador

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MATINDI pala ang naibubulsa ng gobernador mula sa EZ-2 mga suki, iyan ang ibinulgar sa akin ng isang da-ting provincial director na hindi ko muna babanggitin ang pangalan matapos itong makiusap upang hindi naman siya pag-initan ng pulitikong kanyang iniwan. Ayon sa aking kausap tumataginting na tatlong milyon ang buwanan na tinatanggap ng gobernador mula sa EZ-2, na naika-cash sa Land Bank. Malaking tulong sana pala ito sa mga proyektong panglalawigan kung gagamitin lamang ni Gob sa tamang pamamaraan. Kasi nga sa hirap ng buhay sa mga probinsiya kailangan ng  ilan nating kababayan ang suportang financial sa livelihood, medical, educational program at peace in order.

Ang masakit nilulustay lamang nitong gobernador ang datung sa casino, na maging ang kanyang asawa ay lulong din sa sugal kung kaya walang proyektong naipapagawa ito. Ang masakit ginagamit nito ang kapulisan  sa panghaharabas sa jueteng, pergalan, bookies ng loteng, ending at sugal lupa upang magkamal ng limpak-limpak na datung na pangtustos sa pagsusugal nilang mag-asawa. Hehehe! Kung sabagay may P300k din na natatanggap ang provincial director ng pulis mula sa EZ-2. Sa Land Bank din ito ikina-cash ngunit sa tingin ng aking kausap sa sariling bulsa rin napupunta dahil mula nang maiupo ito ni Gob sa puwesto walang accomplishment sa lalawigan.

Kasi nga ayon pa sa aking kausap, noon umano ng siya ang PD ng lalawigan kinausap umano niya si Gob na hulihin ang lahat ng mga bookies ng loteng at jueteng upang lalong lumakas ang EZ-2, subalit mukhang malaki ang offer ng mga ilegalista kay Gob. kung kaya hindi ito naisakatuparan. Maging pala itong Bingo Milyonaryo ay pinagkikitaan din ni Gob dahil sa may P300k weekly  patunay na tumatagingting na P1.2 milyon ang buwanan ang naipapasok sa bulsa ni Gob., ang masakit  nagsara ito sa kalaunan matapos hindi tangkilikin ng mga  probinsiyano.  Subalit mukhang may kasamang buwenas si Gob dahil may isang Don Ramon na kilalang Financer ng EZ-2 ang naingganyong maglagay sa kanyang lalawigan.

Front lamang pala ni Don Ramon ang EZ-2 dahil ang talagang negosyo nito ay jueteng. Kayat hindi kataka-taka na lantaran na naman ang kobransa ng jueteng sa lalawigan na moro-moro lamang ang bulahan. Kaya ang resulta lumaganap ang mga karumal-dumal na krimen sa naturang lalawigan dahil kulang ang presinsiya ng PNP dahil kahit na panggasolina ng mga patrol vehicles ay di mabigyan. Sa ngayon laganap din ang droga na pangunahing problema ng lalawigan. Paano nga naman makaka-fucos ang pulis sa mga kriminal kung abala ang mga ito sa pangungulekta ng intelehensiya sa mga pasugalan. Di ba hindi? Kung sabagay malapit na ang 2016 election at nasisiguro nitong aking kausap na mahuhusgahan na si Gobernador ng kanyang mga kalalawigan. Abangan!

ABANGAN

AYON

BINGO MILYONARYO

DON RAMON

GOB

KASI

LAND BANK

SA LAND BANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with