^

PSN Opinyon

Nasa PMM, DPP at Kapatiran ang pag-asa

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

SA 2016 elections, lalahok na naman ang iba’t ibang klase ng political parties sa Pilipinas tulad ng Liberal Party, Nacionalista Party, PDP, Partido ng Masang Pilipino/UNA, Partido ng Manggagawa at Magsasaka (PMM), Kapatiran at Democratic Party of the Philippines (DPP). 

Mga bagong partido lang ang PMM, Kapatiran at DPP kaya walang makapagsabi na may masasamang record ito ngunit sila ay accredited ng Comelec.

Ang ibang partidong nabanggit ay mga dekada na ang tagal ng kanilang paglalahok sa pulitika ng bansa tulad halimbawa ng Nacionalista Party na 110 years old na at ang Liberal Party na 70 years old na. Ang vision/mission ng lahat ng political parties ay “nation building”. 

Ang tanong: Anong klaseng Filipino nation ang na-”build” na ng mga matatagal ng political parties? Ang sagot: Isang nation na 12 million na ang jobless, 18 million underemployed, 10 million contractuals, 10 million OFWs na mapait na nahihiwalay sa kanilang mga mahal sa buhay, milyong mga magsasaka at mangingisda na ninanakawan ng mga fertilizer at iba pang financial resources, milyong mga kabataan na out of school at marami pang ibang Pilipino na nasadlak sa kahirapan.

At sa 2016, kanya-kanya na namang diskarte ang gagawin ng mga partido para mahalal ang kani-kanilang mga kandidato. At kapag nanalo, tuloy ang orgy o pag­lalasing hindi sa alak kundi sa kapangyarihan at ang pulutan ay dugo ng Inambayan. 

Nasabi ko ito dahil ayon sa mga ekonomista, ang pera ay dugo na nagbibigay buhay sa ekonomiya. Kaya tama na, sobra na, huwag iboto ang mga kandidato ng mga inutil na partido. Suriing mabuti ang mga kakayahan ng mga kandidato ng mga bagong partidong DPP, PMM at Kapatiran at baka nasa kanila ang pag-asa ng bansa at ng bawat isa sa atin.

ANONG

COMELEC

DEMOCRATIC PARTY OF THE PHILIPPINES

KAPATIRAN

LIBERAL PARTY

MASANG PILIPINO

NACIONALISTA PARTY

PARTIDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with