^

PSN Opinyon

Paalam, Papa Kiko

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

BAUNIN mo sa Rome, Papa Kiko ang matamis na ala­alang inalay ng mga Pilipino sa limang araw na iyong pagbisita. Hindi naging hadlang sa aming mga Pinoy ang pagsususungit ng panahon dulot ng Bagyong Amang, walang alisan sa puwesto kahit na basang-basa at nangi­nginig sa lamig ang mga taga-Tacloban, Leyte, dahil ang umalis sa pila ay itsa puwera na, hehehe! Mahigpit kasi ang seguridad na pinairal ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines mula Tacloban Airport hanggang sa Metropolitan Cathedral sa Palo, Leyte. Humanga ang mga delegasyon ng Vatican sa disiplina ng Pinoy dahil ni-isa man, walang humarang sa motorcade ng Santo Papa at marahil maitatala sa history ang kauna-unahang misa na naka-kapote ang mga nagsisimba na di-alintana ang buhos ng ulan at malakas na hangin. Sa tuwa ni Pope Francis sa sakripisyo ng mga Pinoy, nilibot niya ang mga nag-aabang sa kanya na nakasuot din ng kapote sakay ng Pope mobile.

Sulit ang pagod at sakripisyo ng mga biktima ng Yo­landa dahil nasilayan nila si Papa Kiko. Dagliang nakalimutan ng ilan nating mga kababayan ang si­napit nila noong manalanta si Yolanda. Kaya nang hilingin ni Pope Francis ang dalangin para sa kanyang kaligtasan ay taus puso itong ipinagdarasal ng mga taga-Tacloban.

Masasabi ko na isang himala ang ipinagkaloob kay  Papa Kiko dahil kahit na Signal no. 2 ang bagyo ay nakalipad pa rin ang eroplano nito pabalik ng Villamor Airbase. Sinamang palad namang sumadsad ang eroplanong sinasakyan ng mga Cabinet official at dignitaries.  Wala namang nasaktan sa mga sakay. Naging maayos ang “Encounter with the Youth” ni Pope Francis sa University of Santo Tomas na ayon sa PNP ay may 12,000 tao ang nasa UST campus, España at Lacson Blvd.

Ngunit kung naging tahimik man itong malaking pagtitipon sa UST at Qurino Grandstand, may lihim naman palang nangyayari sa loob ng rehas ng MPD Police station-3 ni Supt. Adrin Gran kung saan isang bilanggo na nakilalang si Armando Ramos, 59, ang  namatay sa torture. Uuriratin ko ito sa susunod na isyu.

Dahil walang alisan sa puwesto ang pagtutok ko sa ating mga kababayan hanggang sa muling lumabas  ni Papa Kiko sa Apostolic Nunciature patungo sa Luneta sakay ng Pope mobile na gawang Pinoy. Tinatayang 6 na milyong tao ang matiyagang nag-abang sa kanya kahit na basangbasa na sa ulan at nanginginig sa lamig. Sinuklian naman ni Pope Francis ang pananabik ng ating mga kababayan dahil matapos ang misa sa Quirino Grandstand  muling umikot sa Quadrangle at malapitan nang dumikit sa mga tao. May ilang beses na pinara ni Papa Kiko ang kanyang sinasakyan upang abutin ang mga kabataan ng halikan at bendisyunan sa kabila ng mahigpit na siguridad na pinaiiral ng  PNP at Pope escort. Nangingibabaw kasi ang disiplina ng mga Pinoy kaya naging maluwag ang Pope escort at mga delegasyon ng Vatican. Maraming salamat sa mga kababayan sa ipinakitang disiplina.  Salamat Pope Francis!

ADRIN GRAN

APOSTOLIC NUNCIATURE

ARMANDO RAMOS

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

PAPA KIKO

PINOY

POPE

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with