Singson nagpaliwanag: EDSA rehab ‘kakaiba’
BIGYAN daan natin ang sagot ni Public Works Sec. Rogelio Singson sa kolum ko tungkol sa P3.74-bilyong pag-aaspalto ng EDSA (6 Jan. 2015). Aniya, nakita sa pag-aaral ng DPWH at consultant na Design Science Inc. na:
“Higit na komplikado ang trapik sa EDSA. Hindi lang paglatag ng aspalto ang kailangan kundi paving fabric din para hindi bumiyak ang kalye, pagpalit ng sirang konkreto, at pag-ayos ng drainage at bangketa.
“Ang halaga ng pag-aspalto, kasama ang paving fabric para sa joints ng konkreto ay P2.334 bilyon. Nasa 100-200mm ang kapal ng overlay, upang maisaayos ang cross slope na daluyan ng ulan sa kanal. Halaga ng overlay ng dalawang lanes kada kilometro ay P20.3 milyon, hindi P162 milyon. Ang DPWH budget na P10 milyon kada kilometrong two lanes ay para lang iparehas ang kapal ng aspalto sa 100mm.
“Isinaalang alang ang epekto ng mabagal na daloy at madalas na pagpreno ng mga sasakyan sa EDSA sa pagtindi ng pavement stresses. Iba ang kondisyong ito kaysa NLEX o SLEX kung saan sapat na gamitin ang lokal na aspalto. Sa pag-aaral ng DPWH, ang paggamit ng high grade asphalt (tulad ng polymer modified bitumen sa Singapore) ay pipigil sa reflection cracking at rutting ng aspalto, at magpapababa sa loading at thermal stresses -- pampa-lawig o haba ang serbisyo.
“Dahil mas matibay ng ganitong uri ng aspalto, magsisimula ang routine maintenance sa pagitan ng lima at sampung taon mula sa unang paggamit, hindi gaya ng regular na aspalto na dapat i-preventive maintenance tuwing makalawang taon. Sa paggamit ng mataas na uri ng aspalto, tiyak na maiiwasan ang palagiang pagsasara sa daloy trapiko bunsod ng pagkukumpuni.
“Hiling ko na mailathala ang impormasyon na ito.”
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
- Latest