BPI Director Barron at mga isinabit nagpalagan
PINALAGAN ng mga official ng Bureau of Plant Industry na kasabwat sila sa tinaguriang ‘bawang cartel’ noong 2014 nang bumulusok pataas ang presyo ng ‘garlic’ sa market kaya naman nag-panic ang madlang mamimili.
Sinabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, na nagtataka sila dating BPI director Clarito Barron, Luben Marasigan at Merle Palacpac, kung bakit sila isinabit ng NBI investigators sa kasong bawang kartel gayon wala naman silang kinalaman sa operasyon ng sindikato ng ‘bawang.’
Inakusahan pang tumanggap si Barron ng P240,000 pero ito ay itinanggi ni Lito dahil gawa-gawa lamang ito.
Sabi nga, ilusyon nang mga kritiko niya.
Sa madaling salita, gawa - gawa o imbento lamang ito dahil wala silang ebidensiya.
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, itinanggi ni Barron ang bintang n Lilibeth Valenzuela, nagpapakilalang importer kuno, na kasabwat siya at mga kasamahan nito sa kawanihan para manipulahin ang presyo ng halaga ng bawang sa Philippines my Philippines aniya walang kinalaman ang BPI sa presyuhan ng bawang dahil wala silang regulatory power kundi ang Department of Trade and Industry lamang ang may kontrol dito.
Ipinaliwanag ni Barron sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, ang mandato ng BPI ay magbigay lamang ng Plant Quarantine Permit o magbigay kasiguruhan sa kaligtasan ng papasok na mga agriculture product sa Philippines my Philippines at hindi ang import permit.
Binanatan ni Barron si Valenzuela dahil dehins naman totoong registradong importer ito kundi isang ‘broker’ lamang.
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, inakusahan ni Barron si Valenzuela na diumano’y isang smuggler ng mga produkto at blacklisted din diumano ito sa Bureau of Customs?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, aapela si si Barron sa Office of the Ombudsman na busisiin mabuti ang kasong ito nang walang bahid politika dahil naniniwala ito na intriga lamang para sa sariling kapakanan ng iilan lamang.
Sabi nga, awayan ito ng mga diumano’y pangkat ng mga magkakalaban smuggler sa kani-kanilang negosyo kaya damay lamang ang mga opisyal ng BPI dito.
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, isa si Barron sa 127 opisyales ng BPI na sinampahan ng kawing-kawing na case problem sa Office of the Ombudsman ng NBI dahil sa usapin ‘bawang cartel.’
Abangan.
Viva Santo Papa!!!
NGAYON ang dating sa Philippines my Philippines ni Pope Francis para ang madlang Pinoy ay mabigyan ng ‘blessing’ at ‘ipagdasal’ din nito.
Ika nga, hihilingin kay Lord na sana guminhawa at umunlad ang Philippines my Philippines at ilayo sa mga panganib.
Sabi nga, Amen!
Sa pagdalaw ng Santo Papa sa Philippines my Philippines million of madlang people todits ang tuwang - tuwa sa galak dahil bukod sa makikita ito ng personal ay siguradong aabutin tayo ng kanyang ‘blessing.’
Kaya naman dapat maging ‘behave’ ang madlang crowd sa gagawin pagbisita ng Santo Papa sa iba’t-ibang lugar sa Philippines my Philippines.
Sana ang hiling lamang ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, sana hindi maging ‘epal’ ang mga politikong didikit dito.
Abangan.
Secretary de Lima at ilang kongresista sa NBP
PUMASYAL the other day si DOJ Sec. Leila de Lima at ilang kongresista na member ng House Committee on Justice para personal na makita ang situation ng mga bilanggo sa New Bilibid Prison at ang mga nangyayari sa loob nito.
Sabi nga, granada na ang pinasasabog, mga iba’t-ibang uri ng mga matataas na kalibre ng mga boga, kilo-kilong shabu, mga mamahaling kagamitan ng mga maperang nagbuhay hari ng mga convicted criminal.
Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, naawa ang mga bumisita sa situasyon ng mga bilanggo dahil sa sobrang sikip sa kulungan kaya ang usapan ay ilipat sila ng mas maayos at maluwag na kalaboso para hindi sila magsiksikan dito.
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, mali ang desisyon ng mga bright people sa unang pagkakataon dapat ang unahin o atupagin ay sibakin o i-retired lahat ang guardya sibil dito.
Ika nga, top to bottom at palitan ng mga bagong graduate na militar tulad ng Philippines Marines o PNP Special Action Forces para hindi makurap at masilaw sa mga salaping kinikita sa masamang paraan sa kulungan.
‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago.’
Abangan.
- Latest