^

PSN Opinyon

Paupuin ang mga sekyu

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

ANG mga security guard sa malls babae man o lalaki, tulad ng mga salesladies at salesboys, ay pinagbabawalan ding umupo habang sila ay nagtatrabaho.

Ito ay hindi makatao. Dalawa lang ang mga paa ng tao hindi apat tulad ng mga kalabaw, kabayo o baka na ka-yang tumayo nang tuluy-tuloy kahit sa buong magdamag.

Maliit lang ang mga sinasahod ng security guards. Karamihan sa mga anak nila ay tumitigil ng pag-aaral dahil hindi makayanan ang mga gastusin.

Pagkatapos hindi pa makatao ang turing sa kanila ng mga may ari ng malls.

Paano naman kaya makakahabol ang mga sekyu nang mabilisan ng mga magnanakaw kung ngawit na ngawit naman ang mga paa sa katatayo ng walong oras o sobra pa.

Simple arithmetic lang ito na tila nakakaligtaang ba-langkasin ng mga may-ari ng malls dahil mas ang inaatupag nila ay ang arithmetic sa pag-add at multiply ng mga kinikita nila dahil sa pagkait nila ng mga karampatang benipisyo para sa kanilang mga 555 na mga empleyado at kanilang mga kinakawawang mga sekyu.

Ayon sa Banal na Kasulatan, “Righteousness exalts a nation”. Papaano ba naman maipagbubunyi ng Mahal na Panginoon ang Sambayanang Pilipinas kung ang milyones ng mga manggagawa nito ay binibiktima nang malawakang unrighteousness ng mga walang malasakit na mga employer.

Hindi lang kasalanan ng mga ganid na employers ito. Kasalanan din natin.

May kasabihan “God only helps those who help themselves. Kaya tayo po ay magkaisa, huwag magpaisa. Sali na sa ROSE Movement.

Makipag-ugnayan sa text: 09235566056 (Sun), 09198318251 (Smart), 09772010326 (Globe) o mag-email sa: [email protected] at bisitahin ang ating Facebook page www.facebook.com/rosemovementph.

AYON

DALAWA

FACEBOOK

KARAMIHAN

KASALANAN

KASULATAN

KAYA

SAMBAYANANG PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with