^

PSN Opinyon

DOH chief italaga na

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SINABI kamakailan ni Presidente Aquino na hihirangin na niyang pamalagiang Kalihim ng Kalusugan si Janet Garin matapos ang napipintong Papal visit. Darating na ang Papa mamaya. Sana nga italaga na ang Health Secretary. May mga departamento ng gobyerno na crucial ang tungkuling ginagampanan, kabilang diyan ang Department of Health (DOH). Sa harap ng mga lumilitaw na malulubhang karamdaman gaya ng MERS Corona at Ebola virus,  hindi dapat papagtagalin na walang pinuno ang ahensyang ito. Matter of life and death iyan lalu pa’t nakamamatay ang mga bagong karamdamang ito.

Kahit ang mga pinakamaunlad na bansa gaya ng Estados Unidos ay nararamdaman ang dagok ng mga bagong sakit na ito kaya hindi puwedeng wala tayong malakas na programa laban sa mga sakit na nagsusulputan.

Sa pagkakaalis sa tungkulin ni dating Health Sec. Enrique Ona dahil sa anomalya sa pagbili ng bakuna ay mukhang pumasok na ang pulitika. Tila maraming pumupustura sa posisyong nabakante kaya kabi-kabila ang pagkontra ng ilang sektor at indibidwal  sa pagnombra kay actg. Secretary Janet Garin kapalit ni Ona. Ito’y kahit ang Pangulong Noy na ang nagsabi na wala siyang maipintas sa performance ni Garin. Sa Senado, nakatagpo naman ng mga kakamping Senador si Garin.

Idinepensa siya ng mga Senador na ito na kuwalipikadong maitalaga bilang bagong kalihim ng Department of Health (DOH). Hindi na isyu kung magaling o hindi ang prospektibong pinuno. Ang pinakamahalaga ay magkaroon ng pirmihang namumuno ang isang importanteng departamento gaya ng DOH sa lalung madaling panahon.

Sa magkakahiwalay na pahayag nina Senators Antonio Trillanes IV at Juan Edgardo Angara  nagkakaisa sila na kuwalipikado si Garin na pumalit kay dating Health Secretary Enrique Ona. Ani Angara, naging undersecretary ng departamento si Garin at isa rin itong health advocate bukod pa sa serbisyo nito bilang congresswoman ng Iloilo.Hindi na kailangan ang pag-garantiya ng iba.

At sa pagnombra ng mamumuno sa alinmang departamento, ang Pangulo ng bansa ang may prerogatiba. Kaya kung inaakala ng Pangulo na kuwalipikado si Garin, huwag na sanang makinig sa mga sitsit ng iba. Ang magaling na leader ay gagawin ang inaakala niyang wasto at tama.

Anang Pangulo “very satisfied”  siya sa trabaho ni Garin at itatalaga na itong head ng DOH matapos ang pagbisita ni Pope Francis sa bansa mula Enero 15 hanggang 19. Huwag na sanang mabago ang planong iyan.

vuukle comment

ANANG PANGULO

ANI ANGARA

DEPARTMENT OF HEALTH

ENRIQUE ONA

ESTADOS UNIDOS

GARIN

HEALTH SEC

HEALTH SECRETARY

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with