^

PSN Opinyon

Comelec midnight deal?

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NANINIWALA ako sa pagpapabulaan ng magreretirong Commission on Elections Chair Sixto Brillantes na hindi siya lumagda ng “midnight deal” sa Smartmatic para ang naturang kompanya ang muling mag-provide ng mga counting machines para sa 2016 presidential elections.

Oo, walang “midnight deal” porke ang kasunduan ay nilagdaan ng tanghali at hindi hatinggabi, hahaha. Kaya Mr. Gus Lagman, hindi totoo ang akusasyon mo kay Brillantes.

Pasensya na kayo sa joke. Sa harap ng ganitong nakakainis na balita kailangang matuto tayong tumawa. Matagal nang kontrobersyal ang Smartmatic dahil sa mga nasilip na high-tech na dayaan noong nakaraang eleksyon. Sa kabila ng mga kabi-kabilang protesta at akusasyon laban sa kompanyang ito’y nakalusot pa rin!

Kaya “nganga” si Juan Pasang-Krus sa paglusot ng Smartmatic sa Comelec. Pero ano magagawa natin? SMART nga eh, kaya maraming ATIK.

Noon pa man ay  laging dumedepensa si Brillantes sa Smartmatic sa harap ng pagtutol ng marami na ito ang mag-provide ng mga PCOS para sa darating na eleksyon sa susunod na taon. Sinabi niya noon na depektibo na ang mga makinang ito at Smartmatic lang ang makakapag-ayos. Papaanong depektibo? Tama kung magbilang? Hahaha.

Simula Pebrero 2, retirado na si Brillantes. Marami ang nagkomento sa Facebook na kumuha lang umano ng baon si Brillantes bago tuluyang magpahinga. Hindi naman marahil totoo ito pero ganyan ang hinala ng marami nating kababayan.

Sa Pebrero 2 ay magreretiro na si Brillantes  kasama ang dalawang commissioners na sina Lucenito Tagle at Elias Yusoph.

Para kay Brillantes, kuntento siya sa naging performance niya bilang hepe ng COMELEC. Aniya, nairaos ang 2013 elections nang maayos at nalinis niya ang kanyang   tanggapan. Sabi pa niya, kung tatakbo sa pagka-pangulo si Senador Grace Poe, “I’ll probably assist or help,” ani Brillantes. Naging abogado ni Fernando Poe Jr., ama ni Sen. Grace, si Brillantes noong 2004 at naging abogado rin ito ni P-Noy noong 2010.

BRILLANTES

ELIAS YUSOPH

FERNANDO POE JR.

JUAN PASANG-KRUS

LUCENITO TAGLE

MR. GUS LAGMAN

SA PEBRERO

SENADOR GRACE POE

SMARTMATIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with