^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mag-ingat sa paputok

Pilipino Star Ngayon

SA pinakahuling report ng Department of Health (DOH), nasa 130 katao (karamihan ay mga bata, ang naputukan sa kamay, mukha at iba pang bahagi ng katawan. Sabi ng DOH maaaring madagdagan pa ang mga naputukan sa pagsapit ng Bagong Taon mamaya. Kaya nananawagan ang DOH na mag-ingat ang lahat sa paputok. Sabi pa ng DOH ang maikling sandali ng kasiyahan sa paputok ay maaaring maging habambuhay na dalahin. Kapag naputol ang daliri o kamay, hindi na ito maibabalik. Kaya, mag-ingat ang lahat sa paputok o ang mas maganda, huwag nang magpaputok. Pinapayuhan naman ang mga magulang lalo na ang mga ina na huwag hayaang magpaputok ang mga anak. May mga batang namumulot ng mga inihagis na paputok subalit nagmintis at nang damputin, saka sumabog.

May mga payo o first aid si Dr. Willie Ong, columnist­ ng Pilipino Star NGAYON at PangMasa (PM) kapag mayroong naputukan at nagkaroon ng malaking sugat dahil sa firecrackers.

•Hugasan ng tubig gripo ang sugat sa loob ng 10 minuto.

•Linisin ang sugat gamit ang sabon at tubig. Gumamit ng alkaline soap tulad ng Perla o Dove.

•Puwedeng tapalan ng kitchen wrap o cling wrap ang nasunog na parte para hindi ito ma-impeksyon. Huwag tapalan ng madikit na tela o tape.

•Kung may pagdurugo, diinan ang sugat (apply pressure) ng 10 minutes hanggang sa tumigil ang pagdurugo.

•Dalhin ang pasyente sa ospital. May iba pang puwedeng ibigay sa ospital tulad ng bakuna laban sa tetanus, antibiotics at pag-tahi ng mga sugat.

•Kung may naputol na daliri, kunin agad ang naputol na daliri at ilagay ito sa plastic bag na may yelo. Dalhin agad sa ospital at baka maidugtong pa ito.

Ayon pa rin kay Dr. Ong, kapag nakakain ng paputok ganito ang gawin:

•Pakainin ang pasyente ng hilaw na egg white. Sa mga bata, pakainin ng 6 egg white. Sa mga matatanda, bigyan ng 10 egg white. Makatutulong ang egg white sa pagbawas ng pinsala ng paputok.

•Kung hindi gusto ang lasa ng egg white, dagdagan ng orange juice o softdrinks.

•Huwag pasukahin ang pasyente. Baka masugat lang ang lalamunan niya.

•Dalhin sa ospital para sa tamang gamutan. Huwag bigyan ng oxygen at baka sumabog pa ang paputok.

 

BAGONG TAON

DALHIN

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. ONG

HUWAG

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with