^

PSN Opinyon

Serbisyo ng Manila Dialysis Center

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Estrada - Pilipino Star Ngayon

NAPAKALAKING tulong sa mga maralitang may sakit ang Manila Dialysis Center (MDC) na ipinursige ni Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Pormal na itong binuksan sa Gat Andres Bonifacio Memorial and Medical Center at agad na ring nagbigay ng ayuda sa 28 pasyente.

Ayon kay Mayor Erap, ang mga pasyenteng sumasailalim sa dialysis ay matutulungan ng Pamahalaang Lungsod na gumaling o madugtungan ang buhay. Nauunawaan niya umano ang matagal nang paghihirap na dinaranas ng mga ito sa kanilang sakit laluna dahil sa malaking gastos sa dialysis at pagpapagamot. Base umano sa nakalap niyang impormasyon, umaabot sa P1,500 hanggang P4,000 ang gastos sa bawat dialysis session sa mga pribadong ospital. Ang mahihirap na Manilenyo aniya ay walang anumang babayaran sa pagpapa-dialysis sa MDC.

Ang MDC ay mayroong inisyal na 26 na modern dialysis machines. Walang ginastos para rito ang city government dahil ang mga ito ay na-acquire sa ilalim ng partnership agreement sa medical equipment manufacturer na B. Braun Avitum Philippines.

Target ni Mayor Erap na magkaroon ng 60 dialysis machines ang MDC hanggang sa July 2015, na makapagbibigay ng libreng serbisyo sa humigit-kumulang na 540 pasyente kada araw.

Target din niya na maging largest dialysis center ng Pilipinas ang MDC.

Binigyang-diin ni Mayor Erap na ang serbisyo ng MDC ay isang bahagi pa lang ng komprehensibong programang pang­kalusugan at medikal na titiyakin ng kanyang administrasyon para sa mga residente ng Maynila laluna sa mga maralita.

Ang mga orange card holders aniya ay makakakuha rin ng libreng in-patient and outpatient services sa alinman sa anim na ospital na pinangangasiwaan ng Pamahalaang Lungsod partikular ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila, at Sta. Ana Hospital. Kasabay nito ay muli niyang pinaalalahanan ang lahat ng mga hospital director na dapat tiyakin ng mga ito na walang anumang sinisingil sa mga pasyenteng may orange card.

 

vuukle comment

ANA HOSPITAL

BRAUN AVITUM PHILIPPINES

DIALYSIS

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL AND MEDICAL CENTER

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

JUSTICE JOSE ABAD SANTOS GENERAL HOSPITAL

MAYOR ERAP

OSPITAL

PAMAHALAANG LUNGSOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with