^

PSN Opinyon

‘Lisensya’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

(Pribilehiyo o karapatan?)

ISA sa mga dahilan kung bakit maraming naghahari-harian, balasubas at bastos sa lansangan ang kawalang-ngipin ng batas at kung mayroon man, maluwag na pagpapatupad nito.

Ang kawalang “sistema” at kaayusan, nakamulatan na ng maraming nagmamaneho, mapa-pribado man at pampublikong sasakyan.

Hindi nirerespeto ang batas dahil alam nilang madali lang nila itong lusutan at maniubrahin o ‘di naman kaya paikutin sa kanilang mga baluktot na rason at maling lohika.

Pero kung susunsunin ang mali at totoong dahilan ng problema, maraming mga mapupukulan na mga namumuno sa mga nakatalagang departamento.

Kung sa simula palang may maayos nang sistema ang Land Transportation Office (LTO) na nasa ilalim ng Department of Transportation and Communications (DOTC), mababa lang ang bilang mga aksidente at kaguluhan.

Sa Estados Unidos, hindi binibigyan ng lisensya ang walang disiplinang drayber at hindi marunong sumunod sa batas-trapiko. Bago pa maisyuhan ng driver license ang aplikante, dadaaan muna siya sa serye ng mga pagsusulit.

Kabaligtaran sa Pilipinas. Madali lang makakuha ng lisensya. ‘Yung iba nga, binibili nalang na parang lugaw ng ilang mga may pera, may katungkulan sa pamahalaan at may sinabi sa buhay. Kaya kung magmaneho, akala nila pati espasyo na dinadaanan, nabili at binayaran na rin nila.

Walang disiplina. Walang pakialam sa kapwa-motorista basta ang mahalaga sa kanila makasingit at makadaan lang kesahodang may mahagip, matamaan, masaktan, mapatay o ma-hit and run.

Karapatan kung ituring nila ang lisensya na ipinagkaloob sa kanila ng estado. Hindi nila inilalagay sa kanilang nakatuwad na kukute na ang pagmamaneho ay isang pribilehiyo lamang na may kaakibat na isang malaking responsibilidad.

Kung sa umpisa palang ito na ang naituro at naidikdik sa isip ng bawat drayber sa lansangan, tiyak mababa ang estatistika ng mga aksidente at disgrasya sa daan.

Ito ang dapat tutukan at bigyan ng atensyon ng pamahalaan na matagal ng panawagan ng kolum na ito at ng programang BITAG Live.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

KABALIGTARAN

KARAPATAN

KUNG

LAND TRANSPORTATION OFFICE

SA ESTADOS UNIDOS

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with