NAIA 3 sasabog sa sigawan ng mga galit na pasahero
UMALINGAWNGAW ang sigawan halos tumaas ang alta - presyon nang mga nanggagalaiti sa galit na madlang passenger dahil hindi biro ang perwisyo idinulot sa kanila nang mahabang pila sa labas ng departure area ng NAIA Terminal 3 the other day at ang ikinabuwisit pa nang ilan ang magulong flight schedule sa airline counter ng paliparan.
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, ang nakakaawang tignan o pagmasdan ang mga ‘senior citizen’ at ang mga may kapansanan na pasaherong nagta-tiyaga sa mala-pila baldeng linya papasok ng departure airline check-in counter area.
Sabi nga, walang tulong na ginawa ang mga taga - MIAA?
Ika nga, nasaan ang special or courtesy lane para sa mga gurang at may mga kapansanan na pasahero?
‘Mukhang patulog-tulog at pakaang - kaang ang grupo ni MIAA general manager Bodet Honrado pinababayaan at walang tumutulong sa mga gurang at may mga kapansanan na pasahero?’ sabi ng kuwagong urot.
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, may Republic Act 9994, batas na nagpapatupad ng karagdagan privileges at benefits sa mga ‘gurang.’
‘Bakit hindi ito ipinatutupad sa NAIA terminals?’ tanong ng kuwagong kapritsosa.
Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga OFW’s lang ang may ‘special lane’ sa NAIA arrival area kapag dumating sila with matching salubong pa sila ng mga taga - OWWA? Hehehe!
‘Hindi lang ito ang isyu sa airport kahit doon ka matulog sa paliparan para maaga o mauna kang makapag-check - in ang problema naman ay ang eroplanong sasakyan mo dahil delayed naman ito.’ sabi ng kuwagong nagka-kamot ng ulo sa buwisit.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga ganitong sistema ay dapat iayos ng mga ahensiyang may kinalaman sa isyung pinag-uusapan natin sa itaas.
‘Hindi iyong pakaang-kaang kaya nagkaka-hetot-hetot tuloy dito?’
Sabi nga, dapat preparado ang MIAA sa mga ganitong situasyon para hindi malito at maguluhan ang mga pasahero.
‘Humaba ang pila dahil sa security measures na ipinatutupad sa NAIA?’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, ok lang ang security measures dahil kaligtasan nang mga pasahero ang dapat unahin nila pero pagpasok mo sa loob ng airport.....ang gulo pa rin? Hehehe!
Abangan.
- Latest