^

PSN Opinyon

Firecrackers

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KADALASAN humahantong sa kapahamakan ang katigasan ng ulo ng ilan nating mga kababayan sa paggamit ng salot na firecrackers tuwing sasapit ang Pasko’t Bagong Taon. Hindi naman nagkukulang ang mga ahensya ng pamahalaan sa pagbibigay ng paalala sa sambayanan na ang pagpapaputok ng kahit anong uri ng firecrackers ay mapanganib sa buhay. Subalit tuloy pa rin ang ilang matitigas ang ulo sa paggamit nito kaya hayun humahantong sa napakasaklap na karanasan. Sa ulat ng Department of Health umabot sa 21 ang  sugatan na dinala sa iba’t ibang hospital noong Pasko matapos maputukan ng mga ipinagbabawal na firecrac-kers, karamihan sa mga biktima pawang mga kabataan na naputulan ng mga daliri  matapos magpaputok o mamulot ng piccolo. Kaya ngayon abut-abot ang kanilang pagsisisi sa kina-hantungan ng kanilang mga anak. At ang kanilang pinagbuntunan ng galit ay mga ahensya  ng pamahalaan lalo na ang Philippine National Police dahil malamya raw ang kampanya laban sa nagtitinda ng mga paputok. Ngunit nagkakamali yata sila sa kanilang sapantaha dahil ang tunay na may kasalanan dito ay yung mga nagpapabayang magulang sa paggabay ng kanilang mga anak. Di ba mga suki? Sa totoo lang walang puknat ang pananalakay ng mga pulis sa mga tindahan diyan sa Divisoria matapos na ipag-utos ni Acting PNP chief Leonardo “Dindo” Espina. Ang masakit palihim ang bentahan sa Bulacan at Cavite kaya hindi ito natutukoy ng mga pulis. Kulang din ang pangil ng barangay officials sa pagsawata ng mga fly by night na bentahan sa barangay kung kaya namamayagpag ang mga nagbebenta ng mapamuksang paputok. Sino nga ba ang nakaaabot sa mga illegal na bentahan ng paputok di ba ang mga barangay official? Kaso maraming opisyal ng barangay sa ngayon ang patong sa mga nagtitinda ng paputok.

Calling DILG secretary Mar Roxas Sir, may ilang araw pa bago magbagong taon, pakihambalos mo itong mga barangay official na nagbubulag-bulagan sa mga ipinagbabawal na paputok. Kasi nga kung nais mong maging ligtas ang sambayanan laban sa mapamuksang firecrackers ipawalis mo ito sa mga alipores mong barangay officials. Dahil ang mga kapulisan sa ngayon ay abala sa pagmamanman sa mga kriminal sa kalye. Nakita ang  pruweba sa kapulisan ni SSupt. Rodireck Armamento nang malambat ang  tatlo sa limang Gapos Gang  na nakilalang sina  Reginaldo Peralta, Aries Torriefel at Jesus de Guzman matapos na igapos at limasin ang mga mahahalagang gamit ng anim na miyembro ng Filipino Chinese businessmen sa Valenzuela City. Sa Bacoor, Cavite naman, nakipagbarilan sa mga tauhan ni Supt. Rommel Escolano ang dalawang holdaper na lumusob sa All Day Convenience Store sa Niyog Road, Barangay Niyog-2. Patunay lamang ito na abala nga ang mga pulis ni Acting PNP chief Dindo Espina sa pagpamanman at pagtugis sa mga pusakal sa kalye kaya hindi nila mapagtuunan ang mga illegal firecrackers. Abangan!

ALL DAY CONVENIENCE STORE

ARIES TORRIEFEL

BAGONG TAON

BARANGAY

BARANGAY NIYOG

CAVITE

DEPARTMENT OF HEALTH

DINDO ESPINA

FILIPINO CHINESE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with