^

PSN Opinyon

Pinalitan ng contractual

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

KASO ito ng PCT. Idinemanda ang kompanya ng unyon ng mga empleyado nito sa NLRC dahil ang mga posisyong binakante ng mga regular na empleyado ng kompanya ay pinapalitan ng mga “contractual” na empleyado samantalang tulad din ng mga regular na empleyado ang tinatrabaho ng mga ito. Hiningi ng union na bayaran sa mga contractual ang diperensiya sa suweldo at benepisyo ng mga regular.

Nagdesisyon ang Labor Arbiter sa kaso ng hindi na hinintay pa ang position paper ng PCT. Ang ginawa kasi ng kompanya ay nagsumite ng isang mosyon para i-dismiss ang kaso. Pinagbabawal ang mosyon na ito. Dahil naiwang hindi nasasagot ang mga paratang ng unyon ay itinuring ng Labor Arbiter na totoo at tama ang mga nakasaad dito. Dineklara ng Labor Arbiter ang PCT na may sala ng “unfair labor practice”. Inutos ng Labor Arbiter na bayaran ng PCT ang diperensiya sa mga suweldo at magbayad din ng danyos (moral and exemplary). Kinampihan ng NLRC ang Labor Arbiter sa desisyong ito bagaman tinanggal ang babayaran sa danyos.

Nagpetisyon ang PCT sa CA ngunit binasura din ito. Ang kailangan kasing sertipikasyon (verification and  certification of non-forum shopping) ay pirmado lamang ng presidente ngunit walang resolusyon na nagpapatunay na awtorisado siya ng board of directors ng kompanya. Tama ba ang CA?

MALI. Ang patakaran ay hindi tatanggapin ang anu­mang aktuwasyon ng isang opisyal ng kompanya kung   hindi ito awtorisado ng board of directors. Sa mga kasong dinesisyunan ng Korte Suprema, makikitang kinikilala ang mga sumusunod na opisyal ng kompanya na may kakayahang pumirma sa sertipikasyon kahit walang kasamang resolusyon ng board: 1) Chairman ng board, 2) Presidente ng kompanya, 3) General Manager o Acting General Manager, 4) Personnel Officer at 5) ang tinatawag na “employment specialist”. Ang mga nasa­bing opisyal at kinatawan ng kompanya ay makapipirma sa sertipi­kasyon na walang kailangang resolusyon ng board. Sila ang mas nakaaalam sa takbo ng kompanya dahil sa hinahawakan nilang posisyon.

Nararapat lamang na ibalik ang petisyon ng PCT sa CA upang magkaroon ng pagkakataon ang korte na      pag-aralan kung talagang inabuso ng Labor Arbiter at ng NLRC ang kanilang kapangyarihan sa kaso dahil hindi nila binigyan ng pagkakataon ang PCT na magsumite  ng dokumento sa kaso.

Mas mabibigyang hustisya ang magkabilang panig kung pareho silang napakinggan at ang isyu ay niresolba ayon sa katibayang hawak nila. (PCT Travel vs. NLRC et. Al., G.R. 154379, October 31, 2008). 

ACTING GENERAL MANAGER

GENERAL MANAGER

KOMPANYA

KORTE SUPREMA

LABOR

LABOR ARBITER

PCT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with