Merry Christmas to all!
PASKO, ngayon kaya dapat happy ang madlang people.
Sabi nga, magbigayan.
Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, dahan-dahan lamang sa tsibugan baka kung mapaano tayo dahil left and right ang handaan sa Philippines my Philippines.
Ika nga, imbita rito, imbita roon, kain dito, kain doon.
‘Kaya ingat sa bawat subo, isipin mabuti kung hindi ito makakasama sa ating kalusugan at dahan-dahan sa pag-toma.’
Sabi nga, ingat!
Anyway, Maligayang Pasko sa lahat ng madlang reader ng Ang Pilipino Star Ngayon!
P2.606 trillion para sa 2015
PALAKPAKAN at talunan sa galak ang mga kaalyado ni P. Noy ng lagdaan nito ang panukalang P2.606-trillion 2015 national budget.
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang mga alipores ni P. Noy ang masaya pati rin ang panggulo este mali pangulo pala ay ‘happy’ sa nangyari.
Bukod sa bottom-up budgetting, ipinatupad ang ‘Performance Informed Budgeting,’ malinaw ang target na dapat mapatupad ng isang tanggapan.
Ika nga, mas mabilis ang pagpitik este mali proseso pala nang pagba-budget ngayon.
Sabi nga, patay na ang budget sa PDAF na naging kontrobersyal at dahilan ng kurapsyon kaya naman may mga naghihimas ng rehas dyan.
Pinirmahan ni PNoy ang 2015 supplemental budget.
Ang budget para sa Education ang may pinaka-maraming salapi dahil ngayon taon ay P309.5 billion ang nakuha nito pero next year ay P367.1 billion.
Sabi nga, wow, tumaas!
“Pumangalawa ang DPWH, National Defense, DILG, DOH, DSWD, Agriculture, DOTC, DENR at DOST.’
Ika nga, bantayan ang paggamit. Hehehe!
Abangan.
Si Justice Sec. Leila de Lima
KUNG ang mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, ang tatanungin sa bagong trono na uupuan ni de Lima sa administrasyon ni P. Noy, aba, masaya sila dahil ‘right choice’ si M’am!
Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga lonely employee ngayon sa DOJ dahil kumulat ang balitang malapit nang magba-bye si de Lima sa kanila in case siya ang itulak para madapa este mali umupo pala at hahalili sa tronong iiwanan ni COMELEC chairman Sixto Brillantes Jr., kasi finish contract o magreretiro na ito this coming February 2015.
Ika nga, goodbye a hate to see you go but have a goodtime. Hehehe!
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO,, mas bagay at kabisado ni Sec. de Lima ang Comelec dahil matagal itong nanilbihan bilang election lawyer sa kanyang mga naging kliente sa nasabing lugar noong hindi pa siya itinatalaga sa gobyerno.
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, isang Atty. Benjamin Caguioa, Presidential Legal Adviser or counsel daw ang maaaring pumalit sa puwesto ni de Lima sa DOJ kapag ang huli ang naging Comelec chief.
Ayon sa balita, si Caguioa ay Ateneo boy at diumano’y classmate ni PNoy sa nasabing kolehiyo.
‘Bukod kay Brillantes dalawa pang Comelec deputy commissioners ang magreretiro rin sa Pebrero 2015, sina Lucenito Tagle at Elias Yusop ay bababa na rin sa kanilang mga puwesto.
Abangan.
- Latest