^

PSN Opinyon

Preso marereporma ba ng karangyaan?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TINATANGGALAN ang mga sentensiyadong makulong ng ilang karapatang sibil. Kabilang dito ang karapatang bumiyahe, at manirahan o komunikasyon kung saan o kailan ibig.

Nananatili  naman ang ilang karapatan sa Konstitusyon, tulad ng malayang pagsalita at pagsamba, at proteksiyon sa malupit at kakaibang parusa. May karapatan din ang preso na umangal, halimbawa laban sa maruming pagkain o abusong seksuwal, o pagkakait ng doktor o gamot.

Tungkulin ng mga awtoridad na balansehen ang mga karapatan sa parusang pagkulong at pagkait ng garbo, layaw, at gamit na makakasakit sa bilanggo at sa iba, o magagamit pantakas.

Nabulgar nitong buwan ang eskandalo sa loob ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa, Metro Manila. Natuklasan sa raid ng NBI at pulis ang mahahabang armas; karangyaan tulad ng mamahaling relos, jacuzzi, sauna, recording studio at modernong opisina -- ng mga preso.

Nagpalusot agad ang warden at mga guwardiya. Kesyo raw pinayagan nila ang mga ‘yon, kasama ang giant TVs, mobiles, at wifi connections, para maiwasan ang gulo at mareporma ang mga preso. Kung hindi, kesyo raw magra-riot ang mga prison gangs, at mananatili silang pusakal.

Palusot lang ‘yon. Ang mga karangyaan ay ginagamit ng mga preso para panuhol sa mga awtoridad. Ang kita sa opisina na sentro ng bentahan ng droga at sa recordings; at ang paggamit ng jacuzzi, sauna ay para pampalakas ng kapit. Peligroso ang mga gadgets -- mobiles, tablets, wifi, alambre -- para pantakas. Samantala, nariyan ang mga riple -- katibayan na hindi narereporma ang mga preso.

Nararapat lang na gibain na ang sindikato sa NBP. Ikulong ang tiwaling warden at mga guwardiya, na mag-aama at magkakapatid.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

IKULONG

KABILANG

KESYO

KONSTITUSYON

MAKINIG

METRO MANILA

MUNTINLUPA

NABULGAR

NEW BILIBID PRISONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with