^

PSN Opinyon

Viral ang Rose sa Region 12

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

DUMADAMI na ang mga kasapi ng Rose Movement sa Mindanao.

Binisita ko ang aking pinsan na sina Federico Señeres at ang kanyang maybahay na si Josephine noong December 19 sa Tacurong, Sultan Kudarat. Sila ang may-ari ng Southern Mindanao Institute of Technology (SMIT) ang pinakamalaking eskwelahan sa nasabing lugar.

Lumapag ang sinakyan naming  eroplano ni Ed Morales ang Secretary-General ng Rose Movement sa General Santos City ng mga alas dos ng hapon at  sinundo kami sa airport ni Pastor Leo Maste ang Regional Chairman ng Rose Movement sa Region 12.

Tumulak kami kaagad-agad patungong Tacurong ngunit sinorpresa ako ni Pastor Leo nang kami ay dumaan muna sa Polomolok kung saan mayroon na palang naghihintay sa amin ng mga nagtipon-tipon na humigit kumulang mga 50 miyembro ng Rose Movement.

Ganun din ang nangyari sa   Koronadal at hanggang dumating ako ng Tacurong. Mainit ang pagtanggap sa akin ng mga kapatid bagamat karamihan sa kanila ay first time ko pa lang na na-meet. Silang lahat ay excited na maging bahagi ng Rose Movement at sila ay nangako na lalong palalaguin ang membership ng Rose Movement sa kanilang lugar.

Napapanahon na, sabi nila, na magkaisa ang mga uring­ manggagawa para magkaroon ng mabigat na timbang laban sa mga employers na nanamantala sa kanilang pagkawatak-watak.

Nais nilang matuldukan na ang contractualization, underemployement, joblessness, job order employment, underpayment, casual employment, OFW diaspora, pagbabalewala sa mga problema ng mga mangingisda, magsasaka, mga SMEs at iba pa sa pamamagitan ng pagkakaisa sa Rose Movement.

Ito ngayon ang nangyayari sa buong bansa mula Ilocos Region hanggang ARMM. Marami na ang naninindigan na alisin ang tanikala ng contractualization at corruption na mga pangunahing hangarin ng Rose Movement.

Hinihimok ko ang lahat ng mga uring manggagawa na sumali na sa Rose Movement. Para sumali, makipag-ugnayan sa text: 09235566056 (Sun), 09198318251 (Smart), 09772010326 (Globe) o mag-email sa: [email protected].

Maaari ring bisitahin ang ROSE Movement facebook page: www.facebook.com/rosemovementph para sa iba pang detalye.

ED MORALES

FEDERICO SE

GENERAL SANTOS CITY

ILOCOS REGION

MOVEMENT

PASTOR LEO

ROSE

ROSE MOVEMENT

TACURONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with