^

PSN Opinyon

Mababang presyo ng langis

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KAPANSIN-PANSIN ang pagbagsak ng presyo ng langis sa mga nakaraang linggo. Sa ngayon, pinakamababa ang presyo ng langis sa loob ng limang taon. May pangamba nga na dahil sa mababang presyo ng langis, baka mag-isip na naman ang mga bansang maraming langis na bawasan ang kanilang produksyon para tumaas muli. Pero sa ngayon, wala pang indikasyon na gagawin ng OPEC ito.

Inaasahan na bababa pa ang presyo ng gasolina sa mga istasyon. Ang tingin nga nang marami, kulang pa ang pagbaba ng presyo, na kinokontrol umano ng isang cartel na hindi pa mapatunayan. Alam na natin ang estilo na mabilis na pagtaas, mabagal na pagbaba. Dapat rin daw bumaba ang presyo ng mga tiket ng eroplano, dahil nga sa mas murang gatong nito. Kung ganun, dapat magsunuran na nga ang lahat, dahil madalas gawing dahilan ng mga negosyante ang taas ng presyo ng gasolina ang pagtaas ng presyo ng bilihin.

Maganda naman para sa ekonomiya ang mababang presyo ng langis, lalo na ngayong Pasko. Mas may pera ka pambili ng ibang bagay, imbis na sa tangke ng sasak-yan lamang napupunta. At kapag malakas ang pambili ng mamamayan, gumaganda ng ekonomiya dahil mas maraming pera ang umiikot. Pero may sama ring dala ang murang langis at murang gasolina. Mas hindi magtitipid ang mga motorista sa paggamit ng kanilang sasakyan. Ibig sabihin, mas titindi ang trapik na masama na nga, at dadagdag na naman ang polusyon. Kung noon ay iniiwan na lang ang sasakyan para makatipid, bakit hindi na muna gawin iyan dahil mura naman ang gasolina.

Ito ang panahon na dapat masipag ang DTI sa pagbantay ng mga presyo ng bilihin. Hindi kusang magbababa ang mga negosyante ng presyo, dahil sino ba ang ayaw ng mas malaking kita? At kadalasan ay sa mamimili ipinapasa ng mga negosyante ang mga problema nila, hindi ba? “Tumaas ito o iyan kaya ganyan ang presyo” ang madalas na katwiran. Pero mababa na ang langis, mababa pa ang palit ng dolyares at Yen, ano pa ang pwedeng dahilan?

Port congestion naman. Haaay!

 

ALAM

DAHIL

DAPAT

HAAAY

IBIG

INAASAHAN

LANGIS

PERO

PRESYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with